HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Russian roulette? Ano bang sinasabi niya? "Russian Roulette? I-Ito ba 'yung laro na sinasabi mo?!" malakas kong tanong. Kinakabahan pa rin ako ngayon. Iniiwasan ko ring gumalaw masyado dahil feeling ko babaliktad na naman 'yung roleta na kinalalagyan ko ngayon. "Yeah, it's a famous game in Russia—as far as I know, pero hindi ko alam kung hanggang ngayon." Russian rou—bakit pakiramdam ko narinig ko na ang larong ito noon? Bakit feeling ko pamilyar at hindi maganda ang larong ito? Nakagat ko ang ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. Gusto kong magalit, pero paano naman ako magagalit gayong gusto at pumayag din naman kong makipaglaro sa kaniya? Sadyang hindi nga lang talaga ito ang laro na inaas

