HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Mauubos na yata ang kuko sa daliri ko dahil sa pagkagatko rito. Lumipas na ang isang gabi at panibagong araw na naman ngayon. Nakaupo ako ngayon sa sofa, habang nakaharap sa malaking monitor ng flat screen tv atsaka nagkakape. Pero imbis na tinapay ang kinakagat—daliri ko naman ang napagtripan ko ngayon. Kinakabahan kasi ako. Grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil nakabuo na ako ng plano ko atsaka buo na ang desisyon ko. Aalis ako—mas ok yatang sabihin na tatakas ako mula kay Maxim. Buo na ang desisyon kong magpapakalayo-layo ako. Kahit pa mahal ko siya, at hindi ko pwedeng ipagpalit ang buhay ko. Marami pa akong pangarap na gustong maabot. At hindi kasama 'ron ang mamatay ng maaga o patayin nang mismong boyfriend ko. Kasalukuyang naliligo

