HAPPY SUNSHINE'S POINT OF VIEW Nagising ako dahil sa init na dumadampi sa balat ko. Ayaw ko pa sanang bumangon kaya lang naramdaman ko rin ang pag-tulo ng laway ko kaya nagmulat na ako ng mga mata ko bago pinunasan 'yon. Ngumunguya-nguya pa ako kahit wala namang kinakain, tapos pinasadahan ng dila 'yung laway na natira sa labi ko. Gan'to ako tuwing bagong gising—nakasanayan ko na 'tong gawin. Kaya lang bad timing yata at nakakahiya ngayon dahil bumungad sa akin ang mukha ni Maxim nang lumiwanag na ang paningin ko. "Good morning, Hapi." Banggit niya pa gamit ang boses niyang may kalaliman. "AHHHNAK NANMPUTA—aray!" Malakas na sigaw ko pagkatapos ay napabalikwas pa ng bangon pero napa-aray naman nang makaramdam ng sakit sa pagkabab*e at likod ko. Maluha-luha akong napatingin sa k

