HULING araw ng preliminary examination ngayon. May dalawa pang subjects na kailangan naming i-take. Hindi pa rin nawawala ang mga pambu-bully nila sa amin. Tuloy-tuloy lamang ito na para bang walang nangyaring pag-uusap sa guidance office. Maaga akong pumasok sa school. Mag-isa lamang ako dahil may kailangan akong kuhanin sa library. Sinabi rin ni Max na susunod na lang daw sila at kailangan muna nilang maiwan doon hanggat hindi umaalis sa dorm sina Marianne. Marami-rami na ring estudyante at teachers ang nasa labas. Naglalakad akong mag-isa patungo sa library nang may mapansin ako. Napagtanto ko na nasa tapat na naman ako ng lumang building kung saan matatagpuan ang dating classroom ng dating mga class-A. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kilabot nang

