Chapter Twenty-Five

1949 Words

HINDI ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Tila ba nanigas ang buong katawan ko sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala, paanong nangyari ‘yon? Bakit pati si Ma’am Santos na wala man lang ginawang masama ay nadamay pa? Mabilis akong tumakbo palabas. Nagmamadali akong nagtungo sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga fourth year students. Sa lumang building. “Grabe, kawawa naman si Ma’am Santos,” dinig kong sabi pa ng isang estudyante nang makarating ako roon, “kaka-take lang natin sa kanya ng exam.” “Oo nga, ang saya-saya niya pa kanina habang binabantayan tayo, ah.” Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid ko. Nakipagsiksikan ako sa kanila at doon ay nakita ko ang katawan ni Ma’am Santos na ngayo’y nakatakip na ng putting tela. Napatakip ako sa aking bibig nang makita a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD