ARAW ng Linggo, wala kaming pasok. Lahat ay may kanya-kanyang inaasikaso dahil sa nalalapit na second quarter examination. Samantalang kaming tatlo nina Max at Philip ay palihim na nakikipag-ugnayan kay Sir Reyes tungkol sa nangyari kay Ma’am Santos noong Biyernes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matukoy ang dahilan ng pagpapakamatay ni Ma’am Santos, o ni Rhoyet. Malaki ang ebidensya na hawak ngayon ni Sir Reyes patungkol sa kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Marami na rin daw na guro ang sumang-ayon nang makita ang handwritten ng aming guro at ng nakasulat sa liham. Ngunit laking palaisipan pa rin sa amin ang laman ng liham. Wala pa rin kaming ideya sa kung ano mang ugnayan nina Ma’am Santos at Ellaine. Napakalaking katanungan ang iniwan ng liham na iyon sa aming tatlo.

