Chapter Two

2287 Words
KINABUKASAN ay maaga kaming tatlo nina Philip at Max na pumasok. Naiwan pa sila Yna sa dorm dahil naghihintayan pa sila. Konti pa lang ang mga estudyante sa building namin at wala pa ang aming mga kaklase nang pumasok kami sa classroom. Hindi tulad ng kahapon ay mas naging malinaw sa akin ang mga sinabi ni Max. Mas naging malinaw ang pakiramdam ko na para bang may ibang tao o anoman ang classroom na ito. Tiningnan ko silang dalawa ni Philip pero parang wala lang sa kanila iyon kaya naman hindi ko na rin ‘yon pinansin pa. Naupo ako sa upuan ko at yumuko dahil medyo antok pa talaga ako. Ilang minuto pa ay naririnig kong umiingay na ang paligid, senyales na dumarating na ang mga kaklase namin. “Gwen . . .” mahinang tawag sa akin ng isang taong may pamilyar na tinig. May nakita rin akong dalawang pares ng paa na nasa harapan ko. Pero sa halip na lingunin ay hindi ko iyon pinansin at saka ako muling pumikit. Ang buong akala ko ay aalis na siya ngunit muli kong narinig ang boses niya. “Puwede ba tayong mag-usap?” Bagot kong iniangat ang aking paningin sa kaniya, “Ano’ng kailangan mo, Archie?” kalmadong tanong ko habang diretsong nakatingin sa kaniya. “Mag-usap tayo. Come with me outside.” Nauna na siya sa paglalakad. Tumingin ako sa paligid at tila walang pakialam ang iba naming kaklase maliban sa matatalim na tingin nina Marianne sa akin. Kaagad kong iniiwas ang tingin ko sa kanila at saka sumunod kay Archie. Nakita ko ito na nakasandal sa railings ng corridor habang nakatingin sa ibaba kung saan naroon ang soccer field. “Ano ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit. Tila nagulat naman siya sa akin ngunit kaagad ding nakabawi. “How are you?” tanong niya. Kunot-noong tiningnan ko siya, “pinapunta mo ako rito para itanong ‘yan?” tanong ko sa kaniya pabalik. Sa halip na sumagot ay tumawa siya at tuminging muli sa field. “Sinasayang mo ang oras ko, kung wala kang mahalagang sasabihin ay babalik na ako sa classroom,” inis kong saad at saka naglakad pabalik ng classroom. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang braso ko. “I-I’m sorry . . .” mahinang sabi niya habang nakatingin sa braso kong hawak niya. Bahagya akong natigilan at napatingin sa kaniya. “I-I’m sorry for what I did last year, and I am really sorry. I did not mean what I did—” “Enough,” pagputol ko sa kaniya, “ayokong marinig na ulit mula sa ‘yo ang mga katagang iyan, Archie.” Pabatong tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Muli ay bumabalik sa akin ang mga alaalang matagal ko nang binura sa isipan ko. Ang para sa aki’y walang kapatawarang ginawa niya at ng kaniyang mga kaibigan sa akin. “Hindi ko naman talaga gusto si Gwen, eh, ginagamit ko lang ‘yong utak niya dahil sobrang talino. At kahit katiting na pagmamahal ay wala akong nararamdaman sa kaniya. Awa baka meron pa.” “. . .Ikaw lang ang mahal ko, Nicca, maniwala ka. Kaya ko lang nagawa ito dahil ayokong matalo sa pustahan kina Jeff.” “Alam kong galit ka pa rin hanggang ngayon, pero maniwala ka, Gwen, sobrang nagsisisi ako sa nagawa k—” Sa ikalawang pagkakataon ay muli kong pinutol ang pagsasalita niya. “Pwede bang manahimik ka na lang? Hindi ba’t sinabi kong ayoko nang maririnig muli ang mga katagang sinasabi mo?” inis nang sabi ko sa kaniya, “Tapos na, eh, nagdaan na iyong sakit na naramdaman ko kaya huwag mo nang ibalik!” Nanahimik siya matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Kitang-kita ko ang pagguhit ng pagkapahiya sa mukha niya. “Gwen. . .” mahinang sabi niya at akmang hahawakan muli ang braso ko nang iniiwas ko ito sa kaniya. Bumuntonghininga ako upang mapigilan ang pilit na kumakawalang mga luha sa aking mata. At muli na akong tumalikod sa kaniya. “Ayoko nang makausap ka, kaya huwag na huwag ka nang lalapit sa akin,” saad ko habang nakatalikod sa kaniya. “Dahil hindi ko masikmura ang pakipag-usap sa mga mas mababa sa akin, lalo na sa mga repeater na gaya mo.” Naglakad na ako palayo sa kaniya pabalik ng classroom. Habang naglalakad ay pansin kong marami nlestudyante na nagkalat sa hallway. Bago ako makarating ay inayos ko muna ang aking hitsura. Pagpasok ko ng classroom ay nadatnan kong kompleto na ang mga kaklase ko. Naroon na rin ang aming guro na si Sir Reyes. “Good morning, Sir. Sorry, I’m late,” paghingi ko ng pamanhin sa teacher namin. Ngumiti naman ito sa akin at saka pinapasok na ako. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at nagtataka silang nakatingin sa akin. “Bakit late ka? Saan ka galing?” mahinang tanong sa akin ng katabi kong si Leah nang makaupo ako. Nagsimula nang mag-discuss si Sir Reyes kaya naman hindi ko na muna pinansin si Leah. Mabuti na lamang ay hindi na rin siya nangulit. Buong discussion ay walang pumasok sa kokote ko. Buong umaga ay tila nakalutang at naglalakbay ang isip ko sa alapaap. Pilit ko ring kinalimutan ang pinag-usapan namin ni Archie ngunit hindi ko magawa. Nang mag-lunch break ay sabay-sabay kaming kumain sa canteen nina May, Leah, Princess, Erika at Jennylyn. Hindi namin nakasabay sina Yna dahil may kani-kaniya silang mga gagawin sa mga club at baka roon na rin sila kumain. Sina Philip at Max naman ay parehas na nawala matapos mag-dismiss ang last subject namin. Nang makahanap kami ng table nauna ng umorder sina Jen, May at Princess ng pagkain. Naiwan naman kaming tatlo nina Erika at Leah. “Uy, Gwen, bakit ka nga pala late kanina?” tanong ni Erika. Sa grupo namin, kung sina May, Leah, Princess at Jen ang pinakamaingay, ito namang si Erika ang pinakatahimik. “Oo nga, Gwen. Saan ka nagpunta at ano ang ginawa mo?” dagdag tanong pa ni Leah. “May nilakad lang ako sa Math club, pasensiya na hindi ako nakapagpaalam. Wala pa kayo sa classroom kanina, eh.” pilit ang ngiting sagot ko sa kanila. Mas pinili kong hindi sabihin ang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Archie dahil ayokong mag-alala na naman sila sa akin gaya ng dati. “Uy, hindi ka ba nagulat no’ng nakita mo sina Archie? I mean, hello, kaklase natin sila,” muling tanong ni Leah. Bahagya akong natigilan at tumingin sa kaniya. “Ano ka ba, Leah. Konting preno naman sa pananalita,” tila nanenermong saad naman ni Erika saka tumingin sa akin na tila ba humihingi ng paumanhin. Bahagya akong natawa sa inakto nilang dalawa. “Ano ba kayo, ayos lang, no,” sabi ko habang nakatingin sa kanila. “Hmm, ang totoo’y nagulat din ako nang makita ko sila at malaman kong magiging kaklase natin sila,” sagot ko sa tanong ni Leah. Nakita kong tila hindi ito kontento sa sagot ko kaya muli akong natawa. “Hindi man natin gusto na maging kaklase sila, pero wala tayong magagawa kung tadhana na ang naglagay sa kanila sa section natin.” Nang makarating ang tatlo ay sumunod naman kami nina Leah at Erika na nagtungo sa counter. Pansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. At hindi ako nagkakamali dahil kitang-kita ko mula sa peripheral vision ko ang mga tingin nina Archie sa akin. Nagmadali kong kinuha ang pagkain ko at mabilis na nagtungo sa puwesto namin. “Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang aligaga ka?” tanong sa akin ni May. “W-wala, huwag n’yo akong isipin,” sagot ko. “Tara na kumain na tayo, malapit na mag-time.” Tahimik lamang akong kumain habang ang mga kasama ko ay tila ba hindi naubusan ng mga kwento sa isa’t isa. Ipinagwalang bahala ko ang mga matang nakatingin sa akin. Natapos kaming kumain nang hindi dumarating si Max. Malamang ay nasa classroom na nga siya ngayon gayun din si Philip. Nauna nang bumalik sa classroom sina Leah dahil dumaan pa muna ako sa locker room para kunin yung iba ko pang gamit. Naglalakad na ako papuntang classroom nang may maramdaman akong kakaiba. Tumingin ako sa paligid at nakitang walang dumaraang estudyante dahil time na. Mangilan-ngilan na lamang ang nakikita kong utility personnel pero nasa may kalayuan sila. Kaya naman nagmadali ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng isang lumang classroom. Kung titingnan ay parang ginawang stock room ang isang ito dahil makikita ang ilang patong-patong na mga silya at mga lumang bookshelf na galing sa library. Napansin ko ang isang bulto ng tao sa loob. Bukas ang pintuan kaya naman tahimik na pumasok ako sa loob at doon bumungad sa akin ang makapal na alikabok sa loob. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at tinakpan ang ilong ko. “May tao ba riyan?” tanong ko ngunit walang sumasagot. Mayamaya ay nakarinig ako ng pag-iyak ng isang babae. “Hello? May tao ba riyan?” muli kong tanong. Sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko na ang boses ko. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanayo ang mga balahibo ko kasabay noon ang pag-ihip ng hindi kalakasan ngunit may kakaibang lamig na hatid. Bigla ay nakarinig ako ng isang kaluskos kaya nagmadali akong tumingin sa aking likuran. Walang tao. “S-sinong nandiyan?” tanong ko pero walang sumagot. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinanggalingan ng kaluskos, kasabay noon ang palakas nang palakas na pag-iyak ng isang babae. Hanggang sa marating ko ang dulo ng mga bookshelf at doon ay may nakita akong isang lalaki na hinahampas ng martilyo ang isang babae! Napatakip ako ng bibig at tila masusuka ako nang may tumalsik na dugo sa direksyon malapit sa akin. “T-tigilan mo ‘yan!” sigaw ko at doon ay nabaling sa akin ang tingin ng lalaki. Nagsimulang maglakad palapit sa direksyon ko ang lalaki at nagsimulang gumapang ang takot sa sistema ko. “S-sino ka? A-ano’ng g-ginagawa mo sa kanya?” nangangatal na tanong ko pero sa halip na sagutin ako naglakad siyang muli palapit sa akin hawak-hawak ang martilyong puno ng dugo. “H-huwag kang lalapit . . .” mahina kong sabi. Dahan-dahan akong napaatras at tumingin sa paligid kung may tao ba pero wala akong makita. Sobrang bilis ngayon ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay mamamatay ako kapag hindi ako nakalabas sa classroom na ito Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa pader, senyales na wala na akong maatrasan pa. “H-Huwag kang lumapit sabi!” sigaw ko sa kaniya, nakaramdam ng sobrang takot. Unti-unting nanginig ng mga kalamnan ko at mabilis na nangilid ang mga luha ko. “Mamamatay ka! Handa ka na ba?” Sa takot ko ay hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Napapikit na lang ako nang akmang ihahampas na niya sa akin ang martilyong hawak niya. Ngunit nagtagal ang ilang sandali ay wala akong naramdamang matigas na bagay na tumama sa katawan ko. “Gwen? Gwen? What is happening?” Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang isang imahe ng lalaki. Noong una ay hindi ko siya namukhaan dahil sa mga luha ko. Pero nang muli kong imulat ang mga mata ko ay bahagya akong nagulat. Dahil wala na ang lalaking nakamaskara na may hawak na martilyo. “Jeremiah?” gulat na tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa aking harapan. Ang kaninang lalaking gusto akong patayin ay biglang nawala, at naging si Miah? “Are you okay? What happened to you?” tanong niya sa akin at tinulungan akong tumayo. Hindi ko pa rin magawang magsalita sapagkat naroon pa rin ang takot sa buong sistema ko at ang pagkabiglang narito si Jeremiah. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya nang tuluyan kaming makalabas sa classroom. “I am a transferee here, and hinahanap ko ang classroom ko nang makita kita rito. Anong nangyari sa ‘yo? Bakit parang takot na takot ka?” tanong niya sa akin, bakas ang pagtataka at pag-aalala sa hitsura niya. Doon ko muling naalala ang nangyari sa akin sa loob ng classroom na iyon. “Hindi mo ba nakita ‘yong lalaking gusto akong patayin?” nanghihina pa ring tanong ko sa kaniya sapagkat hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako. pansamantala naman siyang nakaalalay sa akin dahilan para bahagya akong mailang. “What are you talking about?” tanong niya sa akin, “I only saw you there, Gwen. Nobody is with you,” dagdag pa nito dahilan para magtaka ako. Hindi ko maintindihan kung bakit wala siyang nakita, hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya nakita ang lalaking nagtangkang gawan ako ng masama. Hanggang sa pag-uwi sa dorm ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa akin sa classroom na iyon, naroon pa rin ang takot, na baka muli kong makita ang lalaking iyon bukas, o sa mga susunod pang araw. Hindi ako nakapasok sa unang subject namin kaninang hapon. Nagtungo rin ako sa clinic dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Hindi na rin ako nagpasama pa kay Miah. Nagulat na lang ako pagpasok ko kanina para sa susunod na subject ay naroon siya, kasama sina Cindy, Bea, Chloe at Angielyn. Ang mga dati kong mga kaibigan na tinalikuran ako at ang lalaking una kong minahal ay nakasama ko ulit, makalipas ang dalawang taon na hindi namin pagkikita. Bakit sila narito? Sa dinami-dami ng paaralan sa bansa, ano ang sumagi sa isipan nila upang dito mag-aral? May iba ba silang dahilan? Ano iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD