“GRABE, ang ganda naman ng lugar na ito,” namamanghang wika ni Yna nang makapasok kami sa pagdarausan ng kaarawan ni Nicca. Araw ng linggo at ngayon ang birthday ni Nicca. Napili niyang dito sa bansa idaos ang kanyang kaarawan dahil narito ang ilan sa malalapit niyang kaanak at kaibigan. Simpleng cream-colored dress at may hindi kataasang sandals ang suot ko sa party. Ito ang regalo sa akin noon ni Philip at ngayon ko lang naisuot. Marami-rami na rin ang mga tao sa hall at ang ilan sa mga ito ay masasabi kong milyonaryo dahil sa mga mahal na suot nila. “Ang daming tao,” saad naman ni Leah habang tumitingin sa paligid, “baka hindi tayo makita ni Nicca rito.” Naglakad kami patungo sa reserved table na itinuro sa amin ng isang waiter. Namamangha rin akong tiningnan ang buong paligid at a

