“I already explained the rules and guidelines earlier, we have three sets, and the one who wins this game will play against the 2nd group.” Nakikinig lamang ako sa paliwanag ni Sir Lambert. Damang-dama ang tensyon sa pagitan ng grupo namin at ng grupo nina Philip. Medyo dumarami na ang mga estudyante ngayon sa gymnasium. May ilang estudyante mula sa ibang section ang nasa loob para magpalipas ng oras at mayroong ibang lower year levels na may activity rin. At dahil doon ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Ngayon lang ulit ako makakapaglaro ng volleyball at hindi ko alam kung makakapaglaro ako nang maayos. “Okay class, position to your court!” Pumito nang malakas si Sir Lambert dahilan para mabilisan kaming kumilos patungo sa assigned court namin. Nasa gitna ako nina Miah at Yna sa l

