“CLASS dismissed.” Kaagad na nagtayuan ang mga kaklase ko nang matapos ang huling subject namin ngayong umaga. Inayos ko na ang mga gamit sa bag atsaka binitbit ‘yon. “Sabay ka na sa amin Philip,” saad ni Leah. Tahimik at hindi naman ako makatingin nang diretso sa kaharap ko habang kinakausap siya ni Leah. Ramdam ko ang pagsulyap nito sa gawi namin ni Max kaya naman mabilis akong tumalikod at tumingin ay Max na ngayon ay wirdong nakatingin sa akin. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” mahinang tanong niya sa akin. “W-wala naman, Max,” pilit ngiti kong sagot sa kanya. “Tayo na Max, Yna, Gwen, sasabay raw si Philip sa atin,” sabi ni Leah. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa gawi nila. Kalma lang Gwen, hindi ito ang unang beses na makakasabay mong kumain ‘yan. Sabay-sabay ka

