“KAMUSTA ang pag-aaral, anak?” tanong ni Mama habang abala sa paghihiwa ng gulay. “Maayos naman po, Ma,” nakangiting sagot ko rito. Wala kaming pasok ngayon dahil special holiday. Nasa bahay lamang ako at tinulungan ang aking ina sa mga gawaing bahay. Naghahanda kami ngayon ng pansit na miryenda sa pagdating nina Max. Sakto naman na kaarawan ni Papa ngayon kaya naman inimbita na sila ni Mama. “Kaunting tiis na lang, Ma, malapit na tayong makaahon sa hirap,” nakangiti kong wika sa kanya. “Basta, mag-aral kang mabuti anak, ha? Kahit na may trabaho ka, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo.” Tinanguan ko si Mama bilang sagot. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang fast food restaurant malapit sa school na pinapasukan ko. Isa akong crew doon at kahit papaano’y nakakatulong ako kina

