KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok. Muntik nang mapasarap ang aking tulog dahil malapit nang mag-alas-syete ng umaga ako nagising. Mabilis akong naligo at nagbihis. Inihanda ko na rin ang mga gamit ko sa pagpasok atsaka bumaba. Nadatnan ko sa kusina sina Mama, Patricia at Joaquin na nag-aagahan. Kaagad naman akong naupo ro’n at kumuha ng makakain. “Nasaan si Papa?” tanong ko sa kanila nang hindi ko nakita si papa sa kusina. “Maaga siyang pumasok, ate,” sagot naman ni Patricia sa akin. Tumango naman ako at nagsimula nang kumain. Abala si Mama sa paghahanda ng baon naming magkakapatid kaya hindi siya nakasabay sa amin na kumain. Nang matapos kaming mag-almusal ay kinuha ko na ang lunchbox at inilagay iyon sa bag ko. nagpaalam na kaming magkakapatid kay Mama

