ARAW ng Sabado. Wala kaming klase ngunit maaga akong nagising at naghanda para magluto ng agahan. Wala pang tao sa baba nang lumabas ako ng kwarto, marahil ay natutulog pa sila. Hindi na ako nag-abalang gisingin pa sina Max, Leah at Yna para tulungan ako. Malamang ay puyat din ang mga ‘yon kaya hinayaan ko na lang silang matulog. Binuksan ko ang mga bintana sa sala at kusina. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ngunit may natatanaw na akong mga tao sa di kalayuan dito sa amin. Mga school maintenance siguro ang mga ‘yon. Matapos sa sala ay tinungo ko ang kusina at nagsimulang maghanda para sa kakainin namin. Inilabas ko ang kainin at isinanghag ‘yon. Habang nagsa-sanghag ay naghanda na ako ng mga uulamin. Itlog, ham, hotdog at tucino ang napili kong lutuin dahil ‘yon lang din ang kadala

