KINABUKASAN, abala ang lahat sa classroom. May gagawin kaming activity sa Science at iniwan na kami ng teacher namin. Kagrupo ko sina Nicca, Cedrick, at Miah habang nasa ibang grupo at magkakahiwalay naman sina Leah, Max at Yna. “Ang hirap naman nito!” singhal ni Cedrick habang pilit na hinihipan ang dalawang lobo. Respiratory system model ang gagawin naming lahat. “Ayoko na! My goodness!” Napakunot ako ng noo nang ihagis niya ang lobo sa harapan ko. Natigil ako sa pag-aayos ng iba pa naming kailangan. “Ito ang gawin mo,” wika ko habang iniaabot ang garapon. “No way! Gawin mo na! ako na ang magsusulat!” galit na sabi pa nito at hinawi ang kamay kong nakaabot sa kanya. Inis ko namang ipinagpatuloy na lang ang ginagawa at hindi na siya pinansin pa. baka lalo lamang akong mabwisit kapag

