ILANG araw ang lumipas. Nanatiling tahimik ang section namin. Wala nang kahit ano’ng nangyayari sa classroom, sa paligid ng dorm, at sa buong senior department. Parang bumalik sa dati ang lahat, naroon ang mangilan-ngilang bangayan, ngunit hindi na ‘yon nauuwi sa kahit anong gulo. Walang klase ngayong araw dahil ay meeting ang lahat ng faculty members para sa darating na school retreat. Pinag-uusapan nila ang date, place at mga activities na pwedeng gawin sa araw na ‘yon. Lahat kami ay walang ideya kung kailan gaganapin ang naturang aktibidad. Nasa dorm kami ngayon. Nagising akong wala sina Marianne, Nicca at Miah sa dorm. Abala sa paglilinis ng bakuran sina Archie, Chloe ay Max habang kami naman nina Leah at Yna ay naglalaba ng damit naming apat. Ganoon lamang ang gawain namin kapag w

