“HELLO to the world, Gwen Mari!” Nabalik ako sa aking katinuan nang marinig ang boses ni Leah. Hindi ko namalayang nagsasalita pala siya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay wala na akong kaalam-alam sa nangyayari sa paligid ko. Ano bang nangyayari, Gwen? “Kanina mo pa hindi ginagalaw ‘yang pagkain mo, may nangyari ba?” tanong ni Max. Tumingin ako sa aking plato at hindi pa rin iyon nabawasan kahit isang subo. Hindi ko rin alam kung paano akong nakapag-order ng pagkain ko. “Kagabi ka pa gan’yan, Gwen, ano bang nangyari?” tanong ni Leah. “Pati si Philip ay hindi mo na kinausap mula pa kagabi,” sabi pa ni Yna. “H-hindi, marami lang talaga akong ginagawa,” nauutal na saad ko. Mukhang hindi talaga sila naniniwala dahil sa hitsura nila, pero hindi na sila nagtanong pa, bagay na ipinagp

