MACY COLLIEN “Kasi ang totoo talaga…” Lihim akong napangiti dahil alam ko na kinakabahan na talaga siya sa sagot ko. Nakailang beses kong nakita na gumalaw ang adams apple niya. “Kumain muna tayo, mamaya ko na lang sasagutin ang tanong mo.” sabi ko sa kanya at hinawakan ko na ang kamay niya. “Ngayon ko na gustong malaman.” sabi naman niya sa akin. “Gutom na ako–” “Hindi ka nga masaya sa akin.” sabi niya at nauna na siyang naglakad. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil umaasa ako na babalikan niya ako. Nanatili lang ako, gusto ko nang umiyak kaya naman yumuko na ako para pigilan ang luha ko. Alam ko kasi na hindi na siya babalik pero.. “Akala ko ba nagugutom kana?” tanong niya kaya naman umangat ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. “O, bakit ka iiyak?” tanong niya sa akin..

