MACY COLLIEN “Okay ka lang ba? Sorry talaga, daddy. Hindi ko sinasadya, ikaw kasi ginulat mo ako.” Tanong ko sa kanya na may kasamang paninisi. “I’m okay, baby.” sagot niya sa akin habang nakangiti pa kaya naman lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. “Hindi ko talaga sinasadya. Next time kasi ay ‘wag mo akong gugulatin.” sabi ko sa kanya. “I’m sorry po,” malambing pa na sabi niya sa akin kahit na siya na ang nasaktan. “Okay ka lang ba talaga? Kung talagang okay kana ay labas na tayo ulit. Gusto ko kasing manuod ng mga laro doon. Gusto ko ngang sumali pero inaalala ko ang baby natin. Kaya naman tamang nood na lang ako sa gidli.” sabi ko sa kanya. “Gidli?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Gilid po hahaha.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Uhmm, okay. Pero, baby hindi mo na kailanga

