NOSGEL Naging maayos na ang relasyon namin ni Enzo, hindi ko na rin siya pinahirapan pa sa panunuyo sa akin. Kita ko ang kasiyahan ng aking mga anak at yun ang mas mahalaga sa akin. Sapat na siguro ang limang taon na pareho kaming nag hirap dahil sa kagagawan ng isang tao. Pero kung iisipin ko ngayon ang nangyari ay may maganda din naman itong naidulot, kundi dahil kay Ayana hindi ko magiging asawa si Enzo at wala sana akong anak na matatalino at bibong kambal. Kaya imbes na mamuhay ako sa galit at poot mas gusto kong ayusin ang buhay namin, magsimulang muli na nasa tama na ang lahat. Hindi ko na mababago ang nakaraan pero pwede kong gawing mas maganda ang kasalukuyan. "Mommy, daddy's here na po!" sigaw ng kambal sa akin. Nakita kong kinuha ng kambal ang pambahay na tsinelas ng dadd

