ENZO Nagising ako na wala na sa tabi namin si Nosgel. Ang kambal na lang ang katabi ko, masaya kong tinitigan ang mukha ng dalawang anak namin ng asawa ko at walang pagsidlan ng saya ko. Hinalikan ko ang dalawang anak ko sa noo nila bago ako tumayo. Pumasok muna ako sa banyo at nag toothbrush. Natuwa ako dahil nakahanda na ang mga gagamitin ko, hinanda na ni nosgel ang kailangan ko bago siya bumaba. Matpos kong maghilamos ay bumaba na ako, inabutan ko si Nosgel na nasa kusina at nagluluto ng almusal. "Good morning , Mahal! Bakit ang aga mo naging?" tanong ko sa kanya. "Pupunta kasi ako ngayon sa school para ienroll ang mga bata. Saka sanay sila na magising ng maaga, sa dubai kasi ay nag aaral din sila kaya maaga talaga sila nagigising." sagot niya sa akin. "Mahal, patawarin mo ako

