ENZO Nagulat ako ng may isang batang lalaki na nag salita sa likod ko at nagpakilala na siya daw si Farhan Isaac Garcia. Hindi ko akalain na dalawa pala ang anak ko. Noong huling sinamahan ko kasi si Nosgel na nagpa ultrasound babae lang ang sinabi ng doctor na anak namin. Hindi ko rin naman maipagkakailang hindi ko anak si Farhan dahil kamukhang kamukha ko siya , lalo na noong bata pa ako. Yakap ko ngayon ang dalawang bata at panay lang ang tulo ng luha ko. Hindi ko akalain na ganito kabuti ang puso ng asawa ko na sakabila ng mga kasalanan ko hindi niya pa rin pinagkait sa akin ang mga anak ko. "Dad, now I agree with what Mom said—that I look like you. I thought Lolodad was my look-alike, but I was wrong because you look like me; we're both pogi, Dad," Farhan said to me. "Dad, we don'

