ENZO Maaga pa ay handa ako para sa meeting namin mamaya. Daratingn ngayon sa opisina ni Ervin ang Contractor na napili ng aming kumpanya na gagawa ng bagong hotel na itatayo namin. Sila Mommy at Daddy ang nakipag usap sa isang kilalang construction firm na naka base sa Dubai, kilalang kilala daw ang kumpanya nila bilang isa sa leading company pagdating sa construction. Hindi ko alam bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon kinakabahan at masaya ako. Nagagawa ko pang kumanta-kanta ngayon na hindi ko naman dating ginagawa. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa aking closet at pinili ko ang pinaka bagong suits na binili ko. Isang dark blue suits ang kinuha ko saka ko ito tinernuhan ng isang kulay puting longsleeves. Alas nueeve pa lang ay umalis na ako ng aking penthouse para pumunta

