THIRD PERSON Maagang nagising si Nosgel, pinakain niya muna ang mga anak niya at pinaliguan. Sanay ang mga ito na maaga magising. Pag katapos niyang asikasuhin ang kanyang mga anak ay saka naman siya naligo at nag ayos ng kanyang sarili. Nag suot siya ng isang pencil cut skirt na above the knee at isang red silk sando at pinatungan niya ng black blazer tinernuhan niya rin ito na 3 inches high heel red shoes. Kinulot niya ang kanyang mahabang buhok at naglagay siya nang make. Pinag aralan din niya kung paano magmake-up dahil kailangan araw-araw siyang nakaayos. Sinipat ni Nosgel ang kanyang sarili sa malaking salamin na nasa kanyang harapan. Ibang iba na siya ngayon kesa noon, hindi na siya ang Nosgel na simple lang at halos magaslaw kung kumilos. Pag baba niya ng hagdan ay nakita niya n

