NOSGEL
"Anak kamusta naman ang trabaho mo kagabi?" tanong ni nanay. Tanghali na ako nagising ngayon, medyo napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan ang oras.
"Ayos lang naman po nay, ito nga po pala ang isang libo pambayad ng kuryente." inabot ko kay nanay ang pera na agad niya naman kinuha.
"Maraming salamat anak, ang laki ng tulong mo sa amin ng Tatay mo ikaw na ang sumasalo ng lahat ng gastusin dito sa bahay at maging sa gamot ng kapatid mo." nangingilid ang luha na sabi ni Nanay.
"Nay, ayos lang po yon hindi naman po ako nag rereklamo ang mahalaga po ay okay kayo ni Tatay at ni C-jay." sabay tayo at yumakap ako kay Nanay.
Bago pa kami mag kaiyakan ni Nanay ay pumunta na ako sa lamesa para kumain. Adobong sitaw at pritong isda ang nakita kong nakahain sa lamesa. Mabuti na ito kesa wala, madalas kasi toyo at mantika lang ulam namin kapag wala akong kita sa isang araw ang mahalaga aya may bigas kaming maisasaing.
"Nosgel! Nosgel!" narinig kong may tumatawag sa akin sa labas ng bahay. Dali dali akong tumayo upang tignan kung sino ang tumatawag sa akin.
"Kath, anong atin?"
"May lakad ka ba ngayon? Gusto mo bang sumama sa akin may sideline tayo?" sabi ni Kath.
"Ano kaba? Hindi muna ako dapat tinatanong pag mga ganyang bagay, basta trabaho go ako jan."sagot ko.
"Sige daanan kita dito mamaya may lilinisin tayong Condo, uuwi na daw kasi ang anak ni Madam Claudia. Tinawagan ako ni Aling saling kung gusto daw natin linisin ang condo ng anak ni Madam." sabi sa akin ni Kath.
Ang bilis ng t***k ng puso ko ng marinig kong pauwi na si Enzo, mula pa kagabi ay iniisip ko na siya. Hindi na siya maalis sa isipan ko at maging sa panaginip ko ay nakita ko pa siya. Hindi maitago ang sayang nararamdaman ko na kami ang maglilinis ng condo niya.
Pag sapit ng alas dos ng hapon ay magkasama na kami ni Kath na umalis.
"Kath, talaga bang pauwi na si Enzo?" tanong ko.
"Yun ang sabi ni manang Saling nang tumawag siya sa akin. Hoy! Nosgel umayos ka nga, hindi kayo bagay ni Sir Enzo. Saka hindi ka papatulan nun."
"Alam mo ikaw Kath, panira ka sa imagination ko. Crush ko lang naman siya, saka maganda naman ako sexy mahirap nga lang. Pero diba meron naman nagkakatuluyan na mayaman at mahirap malay mo kami na yon." biro ko pa sa kanya pero para sa akin seryoso ako. Malay mo naman magkatuluyan kami, ani ko sa isip ko.
Nakarating kami sa binigay na address sa amin ni Manang Saling. Napakataas ng building at halos puro mayayaman ang nakatira sa condominium building na nasa aming harapan.
"Bakla, jan ba tayo maglilinis?"
"Oo nasa 30th floor daw ang penthouse ni sir Enzo."
Nanlaki ang mata ko nang marining ko ang 30th floor, nandito pa lang ako sa baba pakiramdam ko para na akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba.
Pag pasok namin sa entrance ay ipinakita namin ang vip access card bago kami dumiretso sa information para kunin ang key card ng penthouse. Agad namang binigay sa amin sa frontdesk ang hinihingi namin. Kaya dumiretso na kami sa elevator at pinindot ang 30th floor.
Halos lumuwa ang mata ko sa mga nakikita ko dito sa loob ng penthouse. Halos lahat ng gamit ay mamahalin at talagang hightech. Nag simula na kami ni Kath na mag linis, ano na ang nag prisinta na linisin ang kwarto ni Enzo.
Nakita ko ang larawan ni Enzo na may kasamang babae. "Ayan siguro ang girlfriend niya, sobrang ganda naman pala at halatang mayaman din siya." sabi ko habang nakatingin sa larawan nilang dalawa. Nakaramdam ako ng konting inggit sa babae, siguro kung mayaman lang din ako ay may chance din siguro na magustuhan ako ni Enzo.
Nagmadali na silang mag linis ni Kath, dalawang oras lang ang nakalaan sa kanila para mag linis ng condo ni Enzo. Nang matapos sila ay nagpahinga lang silang dalawa sa balcony at inexperienced at pagiging mayaman kahit saglit na oras lang.
"Ang sarap palang maging mayaman, kung sana lang lahat ng tao mayaman siguro mas masaya ang buhay." sabi ko kay Kath.
"Naku bakla, gumising kana jan dahil nananaginip ka." natatawang sabi niya sa akin.
"Alam mo ba kung kailan darating si Enzo? Kapag may raket ka sa mansion sama mo ako ha."
"Di ko pa alam pero ang sabi next week ang uwi or this week hindi ko kasi naintindihan masyado ang sinabi ni manang." sagot sa akin ng kaibigan ko.
Ewan ko ba kung bakit naman sa dinami dami ng lalaki na pwede kong magustuhan ay sa isang larawan pa ako nag ka crush. Unang kita ko pa lang sa larawan niya ay may ibang saya na akong naramdaman. Lagi kong iniisip ang gwapo niyang mukha at ang labi niya na parang kay sarap halikan.
Sa edad kong 22 ay kahit kailan hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend. Madami naman nanliligaw pero hindi ako interesado sa kanit kanino sa kanila. Pero noong makita ko ang portrait ni Enzo ay agad akong may ibang naramdaman para sa kanya. Isang espesyal na damdamin na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung pag ibig ba ito basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag naririnig ko ang pangalan niya at iniimagine ko ang mukha niya na nakaukit na sa aking isipan.
Naglalakad na kami ni Kath pausi sa bahay namin ng makasalubong ko si Boninay.
"Boninay!" tawag sa kanya ni Kath. Agad naman siyang lumingon pero ng makita niya ako ay bigla na lang siyang sumimangot.
"Boninay, sinabi ko ng huwag kang sisimangot kasi hindi kana nga kagandahan lagi ka pang nakasimangot ay ano na lang ang magiging itsura mo. Dapat always wear you smile para pag may nakakita sayo ay gaganda din ang araw. Saan ka ba galing?" ani ko sa kanya.
"Huwag kana mag tanong Nosgel, hindi maganda ang mood ko ngayon. Bukas mo na lang ako kausapin." mataray niyang sagot sa akin.
"Ay wow, anong oras ba kita pwede kausapin bukas pwede naba mag pa appointment ngayon?" natatawang sabi ko sa kanya.
Mabait naman si Boninay at maganda rin dangan nga lamang ay palaging nakasimangot kaya akala mo laging pasan ang mundo. Nagkaroon siya ng galit sa akin dahil ang boyfriend niya ay nanligaw sa akin at hiniwalayan siya. Hindi ko naman kasalanan na magkagusto sa ain ang boyfriend niya at lalong hindi ko din pinangarap na mag karoon ng jowa na mas mahirap pa sa amin. Kung magkakaroon man ako ng kasintahan gusto yung medyo nakakaangat naman sa buhay mahirap na nga ako kukuha pa ako ng mahirap di ano pang kinabukasan meron ang magiging anak namin.........