CHAPTER 2

1449 Words
NOSGEL "Nosgel!" narinig kong sigaw ni Kath sa labas ng bahay namin. Nakabihis na ako kaya dali dali akong lumabas para puntahan siya. "Ready kana ba? Alis na tayo." aya niya sa akin. "Kanina pa ng kita hinihintay, ikaw lang itong ubod ng tagal." reklamo ko naman sa kanya. "Inutusan pa kasi ako ni Nanay kaya medyo na late ako." paliwanag naman niya. Sumakay na kami ng jeep papunta sa lugar kung saan kami magiging serbadora ngayong araw. Ang sabi ni Kath ay halos mayayaman daw ang bisita kaya ayusin dapat namin ang aming trabaho. Pagbaba namin ng Jeep ay sumakay kami ng tricycle papasok sa isang kilalang subdivision. "Wow! Dito ba nakatira ung mag magiging amo natin ngayon?" manghang mangha kong tanong kay Kath. "Oo kaya bawal ang tatanga tanga, Nosgel, kung gusto mong mabayaran tayo ng malaki." paalalang muli ng kaibigan ko. Pareho kami ni Kath na hindi nanakapag aral dahil sa kahirapan ng buhay, highschool lang ang natapos namin. Sipag at diskarte lang ang panlaban namin sa araw araw para makaraos sa buhay. Lamang lang siya sa akin dahil nakakatuwang niya pa ang mga magulang niya sa pag tatrabaho, hindi gaya ko na solo ko na silang binubuhay lahat. Bago kami pumasok sa loob ay kinanta muna namin ang pampalakas ng loob naming dalawa "Laban, laban, Nosgel and Kath, get get aw........" sabay pa kaming tumawa pagkatapos ng kanta namin na may kasamang pang pagsayaw. Hindi namin namalayan na nakatingin pala sa amin ang mga guard na nagbabantay sa gate na pawang mga nakangiti din dahil sa ginawa namin. "Manong, nag enjoy ba kayo sa song and dance number?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang tumango senyales na nasiyahan nga sila. "Kung ganun sa bawat pag ngiti ninyo may kapalit na salapi para sa amin," nakangiti kong ani sa kanila. "Kaya magbayad na kayo bente - bente lang pang miryenda." singil ko sa kanila. Tawang tawa naman si Kath na nasa tabi ko. Kakamot kamot naman ang 5 guard na nagbabantay sa gate sabay bunot sa kanilang bulsa nang bente pesos. "Buti na lang miss maganda ka kung hindi, hindi talaga kami magbibigay." ani ng isa habang dumudukot sa kanyang bulsa. "Dahil sinabi mong maganda ako kuya, fifty pesos ang ibabayad mo." sagot ko sa kanya. Napatawa ako ng makita ko sa mukha niya ang pagka gulat. "Ang hirap naman pinuri na kita magbabayad pa ako." reklamo niya sakto naman na ang nadukot niya sa kanyang bulsa ay singkwenta kaya agad ko iyon kinuha at sabay nagpaalam na kami sa kanila. "Ang gulang mo talaga." sabi sa akin ni Kath habang nag lalakad kami sa maluwag na bakuran na napapaligiran ng mga dekorasyon. "Ganun talaga sa panahon ngayon dapat hindi lang ganda, kailangan mo din maging magulang para kumita ng pera. Kita easy mony naka 130 agad ako." pagmamalaking sabi ko sa kanya. "Aba'y nasaan ang share ko yan, sumayaw at kumanta din ako kanina." "Alam mo Kath, mahal kita bilang kaibigan ko kaya kung ayaw mong mgkasira tayo quite ka lang dapat hindi maganda yung nakikihati kapa sa kagaya kong mahirap." litanya ko sa kanya. "Oo na sige na kaya galit na galit sayo si Boninay kasi napaka gulang mo daw. Alam mo ba na hanggang lagit yata ang inis sayo ng babaeng yon? Lagi mo ba namang agawan ng pwesto sa tuwing magtitinda ka sa baclaran aba'y kahit ako magagalit din pag ganun." Sabi sa akin ni Kath. "Alam mo wala naman kasi yan sa pwesto nasa diskarte yan, paano gaganahan ang mga bibili sa kanya kung ung mukha niya naka sambakol na daig pa ung nakakain ng sinigang mix sa sobrang asim na laging nakasimangot." sagot ko. Humagalpak naman ng tawa ang bruha kong kaibigan kaya ang mga nakakakita sa amin sa loob ng masion na mga nag aayos ay napapangiti na din. "Mga ineng, kayo ba ang kinuha ni Madam na mag seserve mamayang gabi para sa mga bisita?" tanong sa amin ng isang ale na may edad nadin. "Opo manang," magalang namin sagot. "Ako pala si Saling ang mayordoma sa bahay na ito." pakilala niya sa amin. Ngumiti naman kami ni Kath at sumunod na kay manang Saling papasok sa loob ng mansion. Namangha ang magkaibigan nang makita nila kung gaano kagarbo ang loob ng bahay ng mga Garcia. Isang napakalaking picture ang nakakuha ng atensyon ni Nosgel. "Manang, pwede po bang itanong kung sino ang lalaking nasa larawan?" tanong ko "Ah! Ayan ay si sir Enzo, ang kaisa isang anak ng mga Garcia, pero hindi na siya dito nakatira. Naka base na siya sa U.S siya kasi ang namamahala sa kanilang negosyo doon." sabi sa amin ni manang. Hindi ko maialis ang aking paningin sa larawan hanggang sa may nabangga na na akong isang ale. "Ay bilat mo!" ani ko sa sobrang pagka gulat. "Iha, baka naman matunaw ang portrait ng anak ko kakatitig mo, pati ako hindi muna nakita." nakangiting biro ni madam. "Naku madam, I'm sorry po napaka gwapo naman po kasi ng anak po ninyo. Mana po sa inyong nuknukan din po ng ganda." sabi ko kay madam. Narinig kong tumawa siya ng malakas kaya medyo nakampante ako, akala ko kasi magagalit na baka pera na maging bato pa pag pinauwi niya ako. "Naku iha, I like you na. Mga ganyang salita talaga nagpapaganda ng mood ko." sabi niya sa akin na kita ang saya sa kanyang mata. "Salamat po madam, dahil dyan kailangan po ninyong dagdagan ang sahod namin mamaya. At baka gusto din po ninyo akong kunin bilang taga aliw, "Nosgel at your service, I am ready to make you happy" may extra bayad nga lang po. Pasensya na po baka nagmumuka na akong pera sa paningin ninyo, pero totoo po yon muka po talaga akong pera, may mga binubuhay po kasi akong pamilya ko kaya hindi na po ako nahihiya. Takot akong magutom sila baka lapain nila ako pag napalipasan ko sila ng gutom." mahaba kong sabi kay madam. Wala naman humpay ang pag tawa niya, kaya masaya din ako na napapatawa ko siya ngayon at least safe na ako sa galit niya dahil nabungo ko siya. "Pag iisipan ko iha, yang offer mo sa akin. O siya maiwan ko na kayo at madami ng parating na mga bisita." paalam sa amin ni madam. "Ikaw talaga Nosgel, kahit si madam hindi nakaligtas sayo." sita sa akin ni Kath. "Kilala mo ako sabi nga diba "Seize every opportunity that comes your way" kaya lahat ng pagkakataon na pwede kong magamit para pagkakitaan ay getsungin ko na. Huwag ng magpatumpik tumpik pa, malay mo makilala ko pa ang anak ni madam at mabihag ko siya gamit ang ganda ko at alindog." pag bibiro ko kay Kath. Nagsimula na ang party at pinagpalit na kami ni Manang Saling ng uniform na gagamitin namin. Isa isa ng nagdarating ang mga bisita at makikita mo talaga sa kanila na lahat sila ay mayayaman at hindi basta - basta. Ang gagara ng mga kotseng sinasakyan nila at ang mga gowns at suits na suot ng mga bisita ay kita mong mga mamahalin. Buffet naman ang pagkain tanging alak lang ang siniserve namin ni Kath, lima kami na taga serve kaya hindi masyadong pagod. Mga bandang alas dose ng isa isa ng nag uuwian ang mga bisita. Mga bandang ala una na ng madaling araw ng mangilan ngilan na lang ang naiwang bisita. Pinatawag kami ni kath sa kusina ni Manang salin. "Mga ineng, madaming salamat sa pag seserbisyo ninyo ngayong gabi, lalo na sayo Nosgel tuwang tuwa si madam sayo kaya dinagdagan niya ang bayad ninyo." sabi sa amin ni manang sabay abot ng sobre na kulay brown. "Kunin din ninyo yang dalawang eco bag may laman yang pag kain iuwi ninyo para sa inyong pamilya." muling ani ni manang. Masayang masaya kami ni Kath na nagpaalam, hindi na ako nakapagpasalamat kay madam dahil nagpapahinga na daw ito sa kanilang silid. Habang naglalakad kmi ni Kath palabas ng subdivision ay binuksan ko ang sobre para tignan ang laman. Natuwa ako ng makita ko na 2500 ang binigay sa aming sweldo ni madam. "Nosgel, may silbi din pala pagiging makapal ang mukha mo, akalain mo isang libo lang sana ang sahod natin pero dahil sa kapal ng mukha mo naging 2500. Buti na lang ikaw ang kasama ko hindi si Boninay kundi baka limang daan lang ang binayad sa amin sa asim ng mukha niya." sabi ni kath kaya bigla kaming naghagalpakan ng tawa na dalawa. Malalim na ang gabi pero ito kaming dalawa at gising na gisng pa. Masaya kaming matutulog mamaya dahil solve na naman ang pambayad ko sa kuryente at pambili ng gamot ng kapatid ko.................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD