NOSGEL Lumapag ang eroplanong sinasakyan namin dito sa Dubai International Airport. Excited ako and at the same time kinakabahan din dahil bagong lugar at bagong pakikisama ang gagawin ko dito. Kahit pa totoong magulang ko ang titirahan ko ay natatakot pa rin ako. Hindi sya ang nakalakihan kong pamilya, kaya hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si mommy. Ngunit ganun pa man gagawin ko ang lahat para magkasundo kaming dalawa. Ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin. Paglabas namin ng airport ay nakita ko agad si mommy na kumakaway sa amin ni Levi may mga kasama siyang mga lalaki na parang ga bodyguard niya. Agad niya akong nilapitan at niyakap. "How's your flight, hindi ka naman ba nahilo o nagsuka." may pag aalala ang tinig niya. "Hindi naman po, medyo nalula lang po noong

