THIRD PERSON Nakasakay na ng sasakyan sila Nosgel at tinatahak na nila ang daan papunta sa ospital kung saan manganganak ang dalaga. "Anak, malapit na tayo konting tiis na lang." ang sabi ng kayang ina na hawak hawak ang kamay ni Nosgel. "Mom, sobrang sakit na po." naiiyak niya namang sabi. "Fhajad, can you drive faster!" utos ni Levi. "I'm sorry sir, it's not possible, the police might catch us if I drive too fast." Ani ng driver na nagmamaneho ng sasakyan nila. Walang nagawa si Levi kundi pagmasdan lang ang dalagang hirap na hirap na dahil sa sakit na nararanasan nito. Hindi nagtagal ay nakarating na sila ng ospital dumretso agad sila ng emergency dahil doon naka abang ang doctor na kaibigan ni Levi na siyang magpapaanak kay Nosgel. Mabilis ang kilos nila, isinakay sa stretcher s

