bc

Alpas

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
murder
suicide
family
goodgirl
drama
sweet
humorous
first love
lawyer
naive
like
intro-logo
Blurb

Marielle Fregoso is fearless. Sa mundong ito'y simple ngunit matayog ang kanyang pangarap. Ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. She has a great vision like an eagle, never afraid of conquering adversity. But it seems like life proved it true that soaring high can attract a lot of hunters. Unfortunately, she got caught, her wings broken and her heart shattering. Makakalipad pa ba siya ng matayog kung biglaan siyang kinulong sa hawla ng pagluluksa?

chap-preview
Free preview
Prologue
Pinagmasdan ko ang kutsilyong hawak-hawak ko ngayon, nanginginig ang aking kamay habang tinutuon ito sa aking palapulsuhan. Halos mabingi ako sa lakas ng tambol ng aking puso. Gusto kong umiyak ngunit walang ni kahit isang patak ng luha ang lumalabas sa aking mata. Pinikit ko ang aking mata at determinado na sa gagawin. Ngayong gabi handa na akong makitang muli sina Mama, Papa at ang mga kapatid ko. Ngayong gabi ay handa akong ipagpalit ang aking buhay para lang muling makita ang pamilyang naging pundasyon kong makipagsapalaran sa buhay. Hindi ko na kaya ang pangungulila, ang pagsisisi, ang sakit. I am willing to trade and bargain my life for this chance.  Hindi ko maintindihan ang buhay, kung bakit ito malupit sa akin? Kung bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ito sa 'kin. Wala naman akong ginagawang masama? Ano ba ang malaking kasalanang nagawa ko para kunin sa akin ang aking mga kapatid at magulang bilang kabayaran? Napapikit ako nang unti-unti ko ng hiniwa gamit ang kutsilyo ang aking palapulsuhan. I indulge the pain. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naisip ang dalang kasiyahan sa pisikal na sakit na aking nararamdaman ngayon. Siguro ay napagod na rin ang buong pagkatao ko sa kakaisip ng dahilan. Simula nang namatay ang aking pamilya ay namatay rin ang matayog kong pangarap para sa amin. Para itong isang haliging niyanig ng malakas na lindol. Ngayon ay isa na lamang akong ibon na pinutulan ng pakpak. Hindi makalipad-lipad at tanging iyak na lang ang nagagawa. At ano pa ba ang silbi ng isang ibong hindi naman maka-alpas sa hawla ng sakit? Nanuot agad sa aking ilong ang amoy ng dugo. Tumutulo na ito sa sahig ng aming kusina. Kulang pa ito. Mas mainam kung i-saksak ko na lang ng diretso sa aking puso.  Nanginginig man ay nagawa ko pa ring ituon ang dulo ng kutsilyo sa aking dibdib kung saan naroon ang aking puso. Pumikit ako at napangiti nang nailarawan ko ang mga mukha ng aking dalawang kapatid at magulang sa aking isipan.  Makikita ko na rin uli kayo sa wakas. I-sasaksak ko na sana ang kutsilyo sa aking dibdib pero biglang bumukas ang pintuan ng kusina.  "Ate!" nagulat ako nang pumasok si Baltimore. Nabitawan ko agad ang kutsilyong hawak-hawak. Nanginginig ang aking kamay at labi habang hinaharap siya. "B-balt," "N-nagising ka?" wika ko. Halata ang pagkagulat at pagkataranta sa aking boses. Agad na bumaba ang tingin niya sa sahig kung saan nagkalat ang dugo. Nag-alab agad ang galit sa mata ng aking kapatid nang pinasadahan niya ng tingin ang aking damit na duguan na ngayon. Pagkatapos ay bumaling ang kanyang mata sa aking kamay na nababalot sa dugo, dumadaosdos  ang dugo nito mula sa aking palapulsuhan pababa sa aking mga daliri papunta sa sahig. "Ano'ng ginawa mo?!" umalingawngaw ang boses niya sa buong silid. Malalaki ang kanyang mga hakbang papunta sa akin bago niya ako marahas na hinigit sa magkabilang braso. Kitang-kita ko ang magkahalong galit, takot at frustrasyon sa kanyang mga mata. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa pagkagulantang. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang matinding emosyon sa mata ng aking kapatid. "Ate! Ano'ng ginagawa mo? Putangina!" napaigtad ako sa kanyang sigaw. "Putangina, Ate! Ano 'to?" natulala ako sa marahas na sigaw ni Baltimore. Para akong na-pipi. Kung kanina ay determimado ako sa desisyon kong mawala na sa mundo ngayon ay para akong asong naduwag at gusto na lang magtago sa takot matapos ang isang matinding labanan. "Iiwan mo rin ako?" nagulat ako ng biglang pumiyok ang boses ni Balt. Niyugyog niya ang magkabilang braso ko. "Ate, ikaw na lang ang meron ako." aniya punong-puno ng pagsusumamo ang boses. Nangilid agad ang luha sa aking mga mata nang tuluyan akong nagising. "Tangina! Putangina! 'Wag kang madamot, Ate!" paulit-ulit na sambit ni Baltimore bago siya napaluhod sa aking harapan, niyakap niya ako mula sa aking bewang at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking tiyan. Doon siya umiyak na parang isang sugatang lobo.  Parang ulan na bumuhos ang luha sa aking mata, napapikit ako ng mariin habang dinadama ang aking kapatid na nanlulumo sa aking harapan. "I'm sorry, Balt. I'm sorry. H-hindi ko sinasadya. I'm sorry, g-gusto ko lang mawala yung sakit." nanginginig kong sambit sa kanya. Sinapo ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay at umiyak ng umiyak. Napahagulgol ako lalo nang maramdaman ang mahigpit na pagyakap ng aking kapatid sa akin. Niyakap niya ako na para bang mawawala ako sa kanya ano mang oras pag binitawan niya ko. Parang pinipiga ang puso ko na makita ang kapatid kong ganito kahina sa aking harapan. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Ni isang beses sa buhay ko hindi ko siya nakitang ganito ka tiklop, hindi ko siya napagmasdang nagpakita ng ganito katinding kahinaan. Seeing him now on bended knees, vulnerable and broken while hugging me tightly on his arms made my heart shattered into pieces. Hindi ko kaya ang aking nakikita ngayon. Hindi ako makapaniwalang masyadong nagpadala ako sa sariling damdamin. Hindi na ako nag-iisip ng tama! Masyado nga akong madamot, tama nga si Balt, ang damot-damot ko! Sarili ko lang ang aking inisip at nakalimutan kong nandiyan pa siya at sa akin na lang kumukuha ng lakas. Hindi ko inisip na nasasaktan din siya ng husto sa nangyari sa 'min. Ako na lang ang meron siya at siya na lang ang meron sa 'kin. Kami na lang dalawa ang nandito para sa isa't isa. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Pawisang-pawisan na siya ngayon at ang init ng kanyang mukha dala na rin siguro ng kanyang pagtangis. Nakaramdam ako ng pagod at pagkahilo ngunit hindi ko na ito binigyan ng pansin. "H-hindi ako mawawala, hindi ka iiwan nang Ate." pang-aalo ko sa kanya nang makabawi ako mula sa aking matinding pag-iyak. Ilang saglit lang ay bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang kanyang luha bago tumayo sa aking harapan. Puno ng hinanakit ang kanyang mga mata ngunit pumungay ito at agad na hinaklit ang aking palapulsuhan na dumudugo pa rin. Hindi na ako makatingin sa kanya ngayon habang pinagmamasdan niya ang sugatan kong palapulsuhan. "S-sorry." bulong ko at naglakas loob na tignan ang aking kapatid. Abala pa rin siya sa pag-uusisa sa aking sugat. Namumugto pa ang kanyang mga mata, he look very pissed and frustrated. Pumikit siya ng mariin. Binuka niya ang kanyang bibig pero tinikom lang din niya kaagad. Parang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magsalita pa ng kung ano. "Balt, hindi na ito mauulit. Pangako." bulong ko ulit bago ako tuluyang nanghina at nawalan ng ulirat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer LAWYER ( Tagalog )

read
378.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook