Isang buwan mahigit na ang nakalipas. Naging matagumpay ang tourism ad na ginawa nila Lara. Maganda ang feedback sa kanila ng Department of Tourism pati na sa mga netizens. Maging ang mga ordinaryong tao na nakakapanood ay humanga sa kagandahang itinatampok niyaon. Nagsisimula na ring makilala si Lara sa larangan ng journalism. Kaya naman may bagong project uli na ibibigay sa kaniya ang NeoTV, ang maging host ng bagong magazine show. Pero siyempre hindi lahat ay natutuwa sa tagumpay ni Lara. Pangunahin na diyan si Agnes na pilit humahanap ng bagay na maaring makakasira sa karera ni Lara. Isang araw, pumasok si Agnes sa dressing room nila Lara habang walang ibang taong naroroon para maghahanap ng anumang bagay laban kay Lara. Pero bigo siyang makahanap. Akmang aalis ito nang biglang narini

