Matagal-tagal nang nakahiga si Lara sa kaniyang kama pero hindi parin siya dinadalaw ng antok. Paano ba naman kasi, abalang-abala ang kaniyang utak sa pagmumuni-muni sa mga nangyayari. Lalo na sa sinabi ni Jason kaninang nasa Tagaytay sila. Sa totoo lang, ilang gabi na siyang puyat sa kakaisip ng taong iyon mula noong galing siya ng Benguet. Naging palaisipan sa kaniya kung bakit gayon na lamang ang iginawi ng puso't isip niya. Pero ngayon, mukhang malinaw na sa kaniya ang lahat. Ayaw man niyang aminin pero sadyang mahirap labanan ang sinasabi ng kaniyang puso. Hinahanap-hanap na nito ang presensiya ni Jason, maging ang kabutihang pinapakita nito sa kaniya. Kung hitsura ang pag-uusapan, marami na siyang nakilalang mas guwapo pa kay Jason. Pero hindi! Ibang-iba si Jason sa lahat ng lalaking

