Chapter 14

1119 Words
Nagising ako dahil parang hindi ko na maigalaw ang buo kong katawan. Namanhid yata. Pero bakit naman namanhid, eh natulog lang naman ako? Siguro dahil sa sobrang pagod sa byahe kahapon, at pati na rin kagabi. Pa'no ba naman eh, ilang beses kong binalik si Franki sa pwesto niya kase siksik siya ng siksik sa akin. Nasa dulo na nga ako. Hay sana talaga sa couch nalang ako natulog eh. Hindi pa nga ako nakatulog ng matino, kaya wala akong ganang idilat ang mga mata ko ngayon. Siguro mamaya ko lang ichecheck ang site. Check lang naman eh. Matutulog na sana ulit ako ng maramdaman kong parang may nakaunan sa itaas na bahagi ng aking dibdib, at parang may nakapulupot pa na kamay sa aking tyan, at may paa pang nakapatong sa aking hita. Kaya pala hindi ako makagalaw kase ginawa na pala akong unan ng kasama ko dito. Ginawang three in one ang katawan ko ah. "Franki..." Tawag ko dito habang hindi ko pa rin dinidilat ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog kaya wag mo akong gawing unan. Nakakaperwisyo ka talaga ng pagtutulog ko dito. Ikaw pa naman yung mas matanda sa atin. Pero parang ikaw pa ang parang baby dyan. Hinihintay ko siyang gumalaw pero wala, ganun pa rin. Idinilat ko na ang aking mga mata para gisingin ito at para na rin makatulog na ako ng matiwasay. At yeah, nakaunan nga siya sa akin habang yakap-yakap pa ako. Really? Mukha na ba akong unan? Maygahd Franki naman. "Franki... Oy!" Panggigising ko na dito pero mas lalo lang niya binaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. So nang-aasar na naman ba ito? Ang aga pa eh. Hay hindi talaga natinag. Kaya unti-unti ko nalang kinuha ang kaniyang kamay sa aking katawan, at ang paa niya na nakapatong sa aking hita. Pagkatapos naman ay ang ulo naman niya. Dahan-dahan ko itong pinaunan sa aking unan, kase nahiya na ang unan niyang nandoon na sa sahig. Tumayo na ako dito at pumunta sa couch para ipagpatuloy ang aking tulog. ___________________________________ Naalimpungatan ako dahil may biglang kumuyog sa akin. "Deyanuh. We need to start." "Start what?" Walang ganang tanong ko dito. Inaantok pa nga ako eh. Gigisingin niya lang ako para sa drama drama na ito. Ano ba! Hindi pa ba to tapos? "Can you please get up there? We really need to start it!" Madiing sabi nito. Hay. Ilang masasamang espirito na ba ang sumanib sa kaniya? Hanggang ngayon hindi pa rin ako ligtas eh. "Are you serious about that?" Hindi makapaniwalang tanong ko ulit. Hindi ko naman siya jowa eh, at hindi ko naman kayang gawin ang ganyan. Hindi ko nga kayang humalik sa mga past jowa ko kaya hanggang ngayon ay wala pa akong first kiss. Tapos siya magdedemand lang? Tapos ganyan pa? "Yes, of course!" Sagot naman niya. Gahd! Seryoso ba siya? Kase pwede namang hindi eh! Pwede naman siyang humanap ng iba. Pwede naman sa jowa niya, diba? Ba't sa akin pa talaga? "Hey can you please stop this nonsense." Pero imbes na sumagot siya ay kumunot lang ang kaniyang noo. English na yun ah. Hindi pa rin ba niya naiitindihan? Ugh. Mababaliw na talaga ako sa babaeng ito! Tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para maghilamos. Wala na. Gising na talaga diwa ko. At pati na rin kalamnan ko. Kinakabahan na nga sila eh. Maya-maya pa ay lumabas na din ako at naabutan ko siyang nandyan na sa kusina. Yeah. May kusina ang kwartong ito, may maliit na parang sala din na merong flat screen TV, tapos isang kama at sa tabi nito banyo na. Malaki ang space kaya parang bahay na din ang peg. "We need to eat breakfast first before we start so that we have energy." Anang naman nito. s**t. Seryoso talaga siya. Masama na ang tingin sa akin eh. So gagawin na ba talaga namin? Totohanin na ba? Hindi ko maimagine! Wala na akong magawa kundi umupo na. May mga pagkain na dito sa mesa na hindi ko alam kung saan galing. Ahhh? Care of hotel na pala ito. Kahit na puro masasarap na pagkain ang nakalapag sa harapan ko ay parang hindi ko yata kayang kainin. Kase hindi ko maisip na pagkatapos naming kainin to ay gagawin na namin yun! First time ko kaya to! At hindi ko talaga kaya. "Do you think we really need to do this?" Paninigurado ko sa kaniya. Kase tapos na siyang kumain at hinihintay na niya ako. Binabagalan ko na nga ang pagngunguya ng pagkain dito eh. Pero "Of course! Because this is your job!" Ano? Job? Trabaho ko? So trabaho ko na pala ang? Ang? Ang? Hindi ko kayang sabihin! Hindi naman ako prostitute eh! Kaylan ba ako pumasok sa ganyang trabaho!? Hindi ako nainformed! Ano ba? Nananaginip pa rin ba ako? Please. Gisingin niyo na ako sa kabaliwang ito! "Can you please hurry up!? We're running out of time!" Pagmamadali na nito. Grabe naman. Wala na bang back out to? "Franki! Sandali nga! Are you really really really serious?" For the nth time na paninigurado ko dito. Kase hindi ako makapaniwala na seryoso na talaga siya. Hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ko dito sa Palawan. "I told you for the nth time already that of course!!!" Sigaw na nito sa akin. Maygahd! Galit na talaga siya. Huhuhu. So pa'no yan hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko nga alam kung pa'no gawin yan eh! Tatanungin ko muna si Mama o si Kuya! "Okay, fine. Just give me a minute. I'm just going to call my brother first." Kinakabahang sabi ko dito. Oh, universe I'm going to be the most happiest person kapag gumuho na ang mundo ngayon. "For what?" Takang tanong naman niya. "Uh? Eh? Ih? For you know? For this kind of job?" Naguguluhang sagot ko dito. "What? You are old now. You don't need a permission from someone. You already know that" Hindi ko nga alam kung pa'no yun gawin eh! Kung saan ako magsisimula! Know that know that ka pa dyan! Pero parang nahihiya din akong magpaturo kay Kuya eh. At mas lalo na kay mama! I can't decide! Nakakapressure na po!! "Oh come on Diana! We really need to start this!" "I can't! Okay! I can't do that!" Sigaw ko din dito. Ayoko talaga eh! Huwag mong pilitin ang ayaw, Franki. "What!?? Bakit!?" Maiiyak na talaga ako dito. "Cause I can't do that! It's so hard! I don't know where to start." Pagtitimpi ko na dito kase kanina pa kami nagsisigawan. "Diana! It's so very easy! We only checking the site! We really need to start checking the site!!! Because I don't want to check through lunch time!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD