Pagkatapos naming pumunta doon sa site na ipapatayuan ni Kuya Gino ng bago niyang gusali ay nagyaya na itong kasama ko na babalik na sa hotel. Hindi na ako umangal pa dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman alam na iba pala ang tinutukoy niya, site lang naman pala, akala ko kase yung ano eh. Basta yung ano, yung alam niyo na. Sobrang nakakahiya yun. Sa kulungan talaga ang bagsak ko kapag nagkataon. Mabuti nalang at mabait ako. At wala akong alam doon.
"You don't have any plan to enter our room?" Singit naman ni Franki na ikinabigla ko. What!? Nandyan na siya sa loob ng room namin!? Bakit ang bilis naman? Nandito na pala kami sa hotel? Ganun na ba yun katagal ang pag-iisip ko sa mga nangyayari kanina? Eh, kase naman! Hindi na yata ako makaget over doon.
Kaya dali-dali na akong pumasok sa loob kase para na akong timang na nakatayo sa labas. Ano na ba nangyayari sa akin? Simula kaseng dumating ang babaeng ito ay para na akong baliw.
"After lunch, we need some time." Saad nito. Anong some time na naman ba ito? Please, ayoko nang mag-isip ng kung ano-ano dito, kaya kumpletohin mo naman ang sasabihin mo.
"What some time ba?" Tanong ko habang umiinom ng tubig dito sa kusina. Nakakauhaw naman kase.
"Some time to do an adventure here at Coron." Ngiting tugon nito. Fine. Sounds good. Pero wala akong alam na pwedeng puntahan dito. Then we're just going to explore and get lost in our destination to our own world. What I mean is. Sige, mag-adventure tayo.
"Do you want to have a two-day itinerary?" Tanong ko dito kase tapos na naman ang trabaho ko eh. I already finished checking the site. And ready na ang irereport ko about everything doon sa lokasyon kay Kuya Gino.
Ngumiti lang ito sa akin at.
"I thought that it's three days but... Yeah two days is still enough to make our stay here, worthwhile."
__________________________________
It is not too late to have an island hopping in just half day. Para mabilis ang pag-iisland hopping namin ni Franki at para hindi na rin abutin bukas ng umaga ay we take our own boat. A private boat. It's just me and her, atsaka pati na rin yung boat staff dito.
Ang una namin pinuntahan is the Kayangan Lake. Dahil ito ang pinaka popular spot sa Coron island, at ito din ang palaging unang pinupuntahan ng mga turista.
We cruise into the parking lot, which in itself is an immaculate reef with crystal clear water. Pagkatapos magparada ng bangka ay we take a short hike up the stairs to the viewpoint bago umakyat pababa sa kabilang dulo para marating ang famous Kayangan Lake.
Nang makarating na kami dito ay bigla naman akong napanganga sa aking nakita. Masyadong napaka crystal clear ng freshwater dito. Parang tubig-salamin dahil makikita mo talaga ang magandang mukha ni Franki, I mean namin pala. At isama mo na rin ang underwater rock formations nito.
Tinignan ko naman si Franki at kitang kita talaga ang pagkamangha sa mukha nito. Pareho silang magandang view, pero bakit hindi ko na maalis ang paningin ko sa kaniya? Nakangiti itong tumitingin sa paligid habang may iba't ibang kulay ng paru-parong lumilipad. Teka nga? Wala namang paru-paro kanina dito ah?
"Hey. Diana, can we take picture here?" Pukaw nito sa akin. Nabigla naman ako doon at dali-dali ko namang kinuha ang camera niya sa kaniya. Pipicturan ko lang pala siya eh. Bakit kaylangan pa niyang magtanong? Pero
"No. What I mean is, can we take a picture together here? So that I have some memories to reminisce." Pagtatama niya. Ah? Picture together lang pala eh.
"Oo naman which means of course." Saad ko dito. Kaya binigay niya naman ang kaniyang camera kay kuyang boat staff. Nagpoposing na kami para sa iba't ibang klaseng shot. Pero I didn't expect this time na yumakap siya sa akin habang nakatingin...... din sa akin. Kaya ang lumabas sa picture na yun ay magkatinginan kaming dalawa habang yakap-yakap ako.
Pagkatapos ng Kayangan Lake ay sunod naman naming pinuntahan ang Twin Lagoon. And still, another beautiful view para busogin ang aming mga mata.
"This place is really beautiful" Wika naman ni Franki. Yeah. Napakaganda naman talaga. Hindi masasayang ang pera at oras mo dito. "And it really gets more beautiful if you are with the person you love.". Dagdag pa nito habang nakatingin na siya sa akin. Yeah. Agree na naman ulit ako doon. Bakit ba puro insightful ang mga salita niya ngayon? Epekto siguro ng mga magagandang tanawin.
"Did you already bring your past girlfriends in something beautiful places like this?" Tanong nito.
"Nope. I didn't. All of my ex-girlfriends are party animals, and bar is their beautiful place to visit."
"That's why you also go to the bar? And return to your home, drunk?"
"Yeah. They influenced me." Maikling sagot ko na dito.
Pagkatapos ng pagkukwentuhan namin ni Franki sa Twin Lagoon ay lumangoy naman kami sa Banol Beach. A white sand beach. Hindi mo makakaila na maraming tao ang nagliligo dito, bukod sa napakalinis ay napakaganda pa ng lugar. Mala paraiso ang dating. Marami din ang turista dito na galing pa sa ibang bansa. Kahit tapos na ang summer ay patok pa rin talaga.
Nang magsawa na kami sa paglalangoy ay pumunta naman kami sa Barracuda Lake, our last stop in island hopping for this day. Kahit sa paradahan ng bangka sa maliit na baybay na ito ay maganda na! Pa'no pa kaya kung doon na talaga sa destinasyon mo?
Una akong tumalon dito sa boardwalk. Kasunod naman si Franki na inalalayan ko pa. Hindi na ako makapaghintay na makarating doon dahil kahit ang boardwalk at hagdan patungong lake ay sobrang ganda din. s**t. Masasabi ko talagang Palawan is perfection. Wala pa kami sa El Nido nito ah?
Habang dito palang kami sa entrance ay mafeel mo talagang parang dream world. The entrance to the lake leads us along a path that winds through jagged rocks na parang nasa movie. Na parang nakakatakot pumasok pero pagdating mo doon ay makikita mo na ang napakaganda at napakalaki na barracuda lake. Kahit napakalaki ng lawa na ito ay may enclosed area parin para sa mga divers. The underwater cliffs will surely blow your mind kung mag snorkeling ka dyan o mag dadive. Pero ayoko! Takot ako mag-dive. Okay lang kahit hindi ko na makita ang mga shipwreck dyan sa baba. Pero mas ewan ko dito kay Franki ah. Mas takot pa yata siya sa akin kase naman nakakapit na sa braso ko.
"Ma'am this lake is free for diving. You can dive whenever you want." Anang naman ng boat staff s***h tour guide namin dito. Kahit free yan, ayoko talaga. Kahit may ginto pa dyan sa baba, ayoko pa din. Pero pwede naman ako mag hire para kumuha ng ginto diba?
"Franki, do you want to dive?" Tanong ko dito sa kaniya. Kase ako sigurado nang hindi!
"If you're going to dive first, then I'm one hundred percent sure to do it"
What? Ako pa talaga pinauna mo? Seriously Franki?
"No. Never in my entire life and autobiography, Franki." Agad ko namang sabi. Pwede mo namang ipagawa sakin ang lahat lahat wag lang ito.
"Then, I'm not also. So what are we doing here?"
At ayun nga, bumalik na kami sa bangka. Tinignan lang namin ang barracuda lake at umuwi na. Kase pareho kaming takot. Atsaka thirty minutes pa ang biyahe pabalik kaya okay lang hahaha. Hindi naman ako nasasayangan.
___________________________________
Nang makabalik na kami ay syempre gabi na. Ang bilis tumakbo ng oras kapag babalik ka kaya ayon, nag stop muna kami sa altrove ba yun? Oo, altrove nga. Kase nagutom na ang kasama ko dito at kanina niya pa ako kinukulit na maghahapunan muna kami bago bumalik ng hotel. Syempre gutom din ako kaya oo nalang.
Pagkapasok namin dito sa Altrove ay isang romantic song agad ang biglang tumugtog. Grabe yung pa background music nila dito ah? Hindi naman lahat ng kumakain dito mag-jowa eh. Pero dun pala ako nagkamali, dahil kahit saan ako tumingin puro magjowang kumakain ang nakikita ko. At ang sweet pa nila sa isa't isa! Merong may pasubo pa, meron namang ughhh!! Really? Namali kami yata ni Franki ng kainang pinasukan. Tapos lahat pa ng table dito pandalawahan. Kaya para talaga yan sa mag-jowa!
"Franki, we can't eat here. This restaurant is only for a couple." Bulong ko dito sa kaniya kase nakakahiya naman sa mga mag-jojowa dito.
"But I'm already hungry! We can also act as a couple here. So babe, let's go!" At hinatak niya na ako papunta sa dalawang bakanteng upuan. Wala na akong magawa kase parang mamamatay na din ako sa gutom.
"What's your order two lovely couple?" Tanong ng waiter dito sa amin. Dito na pala sa mesa nakalagay ang mga menu eh.
"Carbonara pasta, Hawaiian rolls and pizza, at sige red wine nalang atsaka vegetable salad nalang din." Sabi ko dito. Wala kase silang juice o tubig man lang tapos puro wine pa at beer. Tapos maliban sa pasta, rolls, at pizza ay puro veggie nalang ang nakasulat. Tapos hindi ako vegan okay!?
"How about you ma'am?" Tanong naman nito kay Franki.
"Same with her." Tumango lang ang waiter at umalis na din.
Ano? Wala ba talaga tong desisyon para sa buhay niya? Lahat ng inorder ko, oorderin din niya.
"Babe, look. They're so cute together." Turo ni Franki dito sa katabing table namin. Wala akong pake sa mag-jowa na yan, okay? Pero bagay nga sila at nakakainlababo ang pagiging in love nila sa isa't isa. So wala parin akong pake kase any moment from now ay parang mamatay na ako sa gutom! Waiter, pakibilisan naman.
"Babe, are you okay?" Tanong nito. Franki, wag mo akong matanong-tanong dyan at baka ikaw nalang ang kakainin ko.
"Here's your order two lovely couple!" At inilapag na ng waiter ang pagkain na inorder namin. Hay. Mabuti nalang at nandito na. Sa wakas ay mabubuhay pa ako.
Nilantakan ko na agad ang pagkain at ganun din siya. Wala eh, parehong gutom eh. Nang mangangalahati na ako sa aking pagkain ay bigla naman itong nagsalita
"You know what, I'm really getting jealous to these couples"
Edi magselos ka dyan. Basta ako, kakain lang.
"Look! They're kissing!" Medyo malakas na sabi naman nito. Hay Franki, huwag mo nga silang tignan. Kung kumain ka nalang kaya dyan.
"Babe! Look! She is proposing to her!" At ayon nga, medyo napasigaw na ito. At imbes na sa proposal ang mga atensyon ng mga tao, ay sa amin na ngayon. Nahihiyang bumalik sa pagkakain si Franki, at ako naman ay tinignan siya ng masama. Sabi nang kumain ka lang eh! Ginawa mo pang awkward ang pag kakain natin dito.
"Babe, don't worry. I'm going to propose to you, soon." Malambing na sabi ko sa kaniya kase lahat ng tao dito sa akin na nakatingin. Akala siguro nila nagtatampo itong? Itong jowa ko na ito.
"Really babe!? Ugh. I love you so much na!" Pakikisakay din nito kaya ayon, bumalik na sa nagpro propose ang atensyon. Hayyy mabuti nalang at makakain na ako ng tahimik! Wala na kaseng matang nakatingin.
"Next time Franki, don't mind their business." Panenermon ko na dito.
"I'm sorry, okay? I didn't mean to exclaimed. I'm just happy for them." Sabi din nito at bumalik na sa pagkain.
Babalik na din sana ako sa pagkain pero
"I'm going to wait your proposal to me, okay?" At itinuloy na nito ang kaniyang pagkakain. Hoy! Biro lang yun! Ano ba!? Sinolved ko na nga problema mo eh!
"It's just an act!" Wala sa sariling sigaw ko naman.
Kaya bumalik naman sa amin ulit ang lahat ng atensyon. Omoooo. Agaw atensyon ang peg naming dalawa dito!
Matapos ang mala embarrassment na hapunan namin ay hindi pa rin natapos ang problema namin dito. Hindi kase kami pinalabas sa nakakagigil na restaurant na ito! Kase magkikiss daw muna kami!? Bago lumabas!!! Dahil isa daw yun sa rules dito!!!? Nakaka potangena diba!!?
"We're really going to do that!?" Gulat naman na tanong ni Franki dito. Ughhhh. Bakit ba may ganitong rule sa isang restaurant!? For what? Gugutomin ulit ako dito sa ganitong patakaran eh!
"It's only a kiss, and besides mag-jowa naman kayo diba?" Anang naman ng nagbabantay dito. Sabi na nga eh! Kasalanan mo to Franki. Sinabi nang wag ng kumain dito eh!
"Fine! If that's what you want!" At bigla naman akong hinalikan ni Franki sa noo. Bigla naman akong natameme doon. Gahd!?
"I already kissed her, so can we go out now?"
"No. We don't do the forehead kisses here. It's not allowed." Saad naman ng potang tagabantay na ito! So. Ano bang klase ng kiss ang gusto mo!?
"So what kind of kiss is allowed!?" Sigaw na ni Franki dito. Sige, ipaglaban mo kase hindi na ako makapagsalita dito.
"Kiss in the lips!" Sigaw din ng tagabantay. What!!!!?????
Kiss in the lips!???
Kiss in the lips!???
Seryoso ba kayo!!!???
No way!!!??
Never!!!?
"What!!!!!!?" Naibulalas na lang ni Franki dito.
"Then hindi kayo makakalabas dito." Pananakot niya.
Ugh!!!
Sa sobrang galit ko dito dahil hindi ko pa kayang ibigay ang first kiss ko ay!!
Hinalikan ko nalang si Franki sa labi. Smack lang naman. Para matapos na ang kabaliwang ito!!!!!
"Yun naman pala eh! Nag kiss din eh. Dami pang arte."