Nandito na kami ulit sa bahay. Nakauwi na kase kami kagabi pagkatapos ng confession namin sa isa't isa. The feeling is mutual pero hindi pa kami. Pagkatapos kase ng madramang pangyayari kagabi sa Palawan ay pareho kaming hindi na makapagsalita. Puro matatamis na ngiti na lang ang iginagawad namin sa isa't isa. Wala eh, parehong kinikilig. Hindi ko alam but I have a plan. Pero magrereport muna ako kay Kuya Gino ngayon.
Pero hindi din ako makakapagdecide kung iiwan ko ba dito si Franki o isasama? Parang nahihiya na ako. Nandoon na kase siya sa kwarto niya. Siguro matutulog ulit dahil 10 p.m na ang flight namin kagabi. So hindi kami nakatulog ng maayos. Tapos kakarating lang namin dito sa bahay kaninang alas singko ng umaga. Hindi na nga ako natulog ulit dahil baka hapon na naman ako magigising.
Sige na nga, pupuntahan ko na lang siya, magpapaalam lang ako. Nakaluto na rin naman ako ng agahan eh, so pwede ko na siyang iwanan dito mag-isa. Uuwi din naman ako agad bago magtanghalian para hindi na siya magdadrama ulit.
Nandito na ako sa harap ng kaniyang pintuan. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o wag nalang. Hirap naman eh. Naalala ko tuloy ang panggigising ko sa kaniya noon. Hahahaha. Pero heto na, nakapagdesisyon na ako. Papasukin ko nalang siya sa loob dahil hindi naman to nakalock eh. At alam ko namang hindi niya maririnig ang katok ko.
Pero bakit hindi niya nilalock ang pinto ng kwarto niya? Hay! Ewan.
Pumasok na ako dito at yeah. Tulog nga siya. Napaka nostalgic ng feeling kase nagawa ko na to eh. Pero hindi ko na siya gigisingin ulit, kundi magpapaalam lang ako.
Umupo na ako sa tabi niya at nagpaalam
"Franki... I'm going to leave you for awhile here. I'm going to report to Kuya Gino"
Bigla naman niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Hindi man lang ito nagsalita. Hindi man lang sumang ayon? Tinitignan niya lang ako ng napaka seryoso. Wala ba siyang sasabihin? Kung wala, edi aalis na lang ako. Tutal nakapagpaalam na naman ako eh.
"There's no goodbye kiss?" Rinig kong tanong nito bago pa ako tuluyang lumabas ng kaniyang kwarto. Goodbye kiss? Hala!? Hindi pa nga kami eh. MU palang. Pero seryoso talaga siya. Kung hindi ko siya ikikiss alam kong magtatampo na naman ito. Sige na nga, kiss lang naman eh.
Lumapit naman ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.
"Just continue your sleeping. Don't worry, I'll be right back." Sabi ko dito. Tumayo na ako ulit para lalabas na. Pero narinig ko na naman itong nagsalita muli.
"Promise?" Pag-aalinlangan nito.
"I promised." Paninigurado ko naman. Binigyan ko muna siya ng isang napakatamis na ngiti bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid. Yeah. I promised. Uuwi talaga ako before lunch. Whether Kuya Gino likes it or not.
___________________________________
"Meet Engineer Viah. Siya dapat ang magchecheck ng site doon sa Palawan pero she's not available, kaya ikaw na lang ang inatasan ko." Turo naman ni Kuya Gino sa babaeng nakaupo sa kaniyang harapan. Kakapasok ko lang kase dito sa kaniyang opisina pero ito kaagad ang bungad niya. Hindi man lang ako pinaupo. Kaya umupo na lang ako sa tabi ng engineer na ito kahit na hindi pa niya sinasabi.
"And Viah, she is Diana, my architect!" Masiglang ipinakilala ako ni Kuya Gino sa kaniyang inhinyera.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands kaya tinanggap ko nalang kahit hindi ako sanay sa ganyan.
"Nice to meet you, architect!" Masigla din nitong sabi. Nginitian ko nalang siya bilang tugon.
"So Diana, kumusta ang bakasyon niyo doon ng jowa mo?" Tanong ni Kuya Gino habang chinecheck niya ang mga reports ko. Nakasulat na kase dyan lahat, tapos detailed pa so wala na siyang angal.
"So, you have jowa already?" Biglang tanong naman ng katabi ko dito. Wala pa akong jowa. Soon to be jowa pa lang.
"Yes, I have already." Ngiting sambit ko dito sa kaniya. Parang totoo ah? Hahaha. "Sobrang saya po ng bakasyon namin doon, Kuya Gino. At salamat dahil binigyan mo kami ng tatlong araw." Sabi ko naman kay Kuya Gino habang ngiting-ngiti. Siya kase ang dahilan ng masasayang alaala namin ni Franki doon sa Palawan. Kung hindi dahil sa kaniya, walang memories, walang confession na magaganap, walang-wala. Kaya maraming salamat Kuya.
"Walang problema Diana, basta ikaw. So, okay na okay na pala itong site, tapos wala namang problema so--
"So Kuya, pwede na ba akong umuwi?" Putol ko na dito kase magtatanghali na pala. Baka may magtatampo na naman mamaya.
"Okay no problem. Pwede na kayong umuwing dalawa kung gusto niyo." Pagsasawalang-bahala nito.
"Sige po Kuya Gino. Salamat po ulit." At una na akong lumabas dito. Dali-dali na akong naglakad dahil ayoko masira ang pangako ko. Nang dito na ako sa labas ng kompanya ay parang may tumatawag sa akin? Sino ba yun? Lumingon ako para malaman at, si engineer lang pala. Ano ba kaylangan neto?
"Architect! Wait muna!" Sigaw nito habang tumatakbo papunta sa akin. Kaya hindi na ako nagpatuloy sa paglalakad. Hinintay ko nalang siya at baka may sasabihing importante.
"Architect, can we have a lunch for awhile? I just want to know you more kase ngayon lang tayo magkakilala." Medyo hinihingal pa nitong sabi. Kakilala pa lang namin pero lunch na agad? No way! May asawa pa akong naghihintay sa bahay-- I mean jowa! Hindi. May pinangakuan pala.
"I'm sorry pero nagmamadali din kase ako eh. Mas importante kase ito.". Tugon ko naman.
"Ah, sige. Next time nalang, ingat!" Paalam nito at sumaludo pa ito sa akin. Kaya nginitian ko na lang siya at sumakay na dito sa BMW ni Kuya. Mabuti nalang at dinala ko to, kung hindi hassle na naman sa pagkocommute.
___________________________________
Alam kong late lunch na akong nakarating dito sa bahay. Alauna na kase at paktay na, ang una kong pangako ay napako agad. Huminto pa kase ako sa isang restaurant at nag take out pa ng pwedeng pananghalian namin ni Franki. Atsaka hindi lang restaurant ang hinituan ko. Marami din noh.
Dali-dali na akong pumasok sa bahay at nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Maaliwalas naman ang mukha niya ah. Hindi naman siya galit. Pero kahit na, late pa rin ako.
"I'm sorry." Sinserong pagkasabi ko dito. Nandito pa rin ako sa pintuan. Baka kase biglang magwild eh. Tumingin naman siya sa akin at biglang ngumiti. Hindi siya galit?
"You're back!" Masiglang sabi nito at yumakap pa sa akin. Nabigla naman ako doon. Himala yatang hindi siya galit ah?
"I thought that you're mad at me?" Takang tanong ko dito.
"Why would I?" Balik-tanong naman nito. Oo nga. Bakit naman siya magagalit diba? Pero hindi pa rin ako nakabalik sa tamang oras eh.
"Can we eat now?" Dagdag pa niya. At kinuha na niya ang mga dala kong pagkain.
Tumango lang ako sa kaniya at sumunod nalang dito sa dinning area. Tutulungan ko sana siyang maghanda ng pagkain nang maalala kong may ibibigay pa pala ako sa kaniya. Kinuha ko ang nakasukbit sa aking likuran at...
"Franki, for you." At inilahad ko na ito sa kaniya.
Kunot-noong tumingin naman siya dito, at sa akin. Tapos dito ulit, tapos sa akin na naman. Ano ba? Paulit-ulit?
"Flowers? Three stems of sunflowers. For?" Takang tanong nito. Hindi pa rin niya kinukuha. Kase magtanong pa.
"Can I be your jowa?" Medyo nahihiya pang tanong ko dito. Nagtataka naman siya at lalong kumunot ang kaniyang noo. Hala? Basted na ba ako agad?
"Jowa? Why? I thought we're already friends?". Tugon naman nito.
Ano!? Jowa pala ang ibig sabihin niya sa friends!? Maygahd. Nahimasmasan na ako ngayon! Kaya pala! Sino ba nagturo sa kaniya ng ganyan?! Epic naman! Nang panliligaw ko dito!
Franki, jowa means more than friend." Pagtatama ko sa kaniya.
"Oh? So I've mistakenly use jowa as friend! I'm sorry!" Bulalas naman nito habang napahilamos pa ng kaniyang mukha.
"But wait.... Did you asked me that can I be your jowa?" Dagdag pa nito.
Kaya tumango na lang ako dahil sa sobrang kaba. Hindi ako makapagsalita, baka kase mabusted ako.
Kinuha niya sa akin ang bulaklak at
"Yes! You can be my jowa!!
Because you're the one I want to have six babies with!"