Diana's POV Nagising ako na parang may humahaplos sa aking mukha. Wala naman akong kasama dito sa bahay ah!? Simula nang umalis siya. Baka guni-guni ko lang? Baka feel ko lang to? Pero hindi eh! May humahaplos talaga. Idinilat ko ang aking mga mata para malaman ko kung sino ito. Hindi ko pa masyadong naaaninag ang kaniyang mukha dahil bagong gising pa lang ako. Pero napakapamilyar niya? Napakapamilyar niya sa puso ko. Franki!? Wait? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ayaw niya akong makita? Pero bakit siya nandito? Bakit siya bumalik? "Good morning my love." Bati nito sa akin at hinalikan pa ako sa labi. Maygahd? Okay lang sa kaniya ang morning breath ko? Pero bago pa ako makapag angal ay nagsalita ulit ito. " I really love watching my love tightly sleeping. I've been watchi

