Hindi pala ako makapagtago dito, kase walang pwedeng taguan kapag makikita niya ako. Kapag lumabas siya sa kaniyang kwarto. Kitang-kita na ang mukha ko dito sa harap ng sarado niyang pintuan. Kakatok ba ako? Kung kakatok ako dito, baka madisappoint lang siya. Haayyyyy. Anong gagawin ko? "Uhm? Excuse me?" Bigla naman akong napahawak sa aking dibdib nang may nagsalita sa aking likuran. Boses babae, pero alam kong hindi si Franki. Baka bago niya? Maygahd. Pinalitan ba niya agad ako? Ang sakit naman. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya dahil hindi kaya ni puso na harapin ang bago ng mahal niya. Nang makita ko na siya ay bigla naman akong nagulat. Maygahd. Mas babae pa to kay Franki ah!? So sino ang lalaki sa kanilang dalawa? Si Franki ba? Maygahdddd ulit. Parang di ko yata kaya yun? "Ah?

