"Hindi ko nga siya kabet eh!" Ilang beses kong pag-uulit na dito. Nakarating na kami kase sa bahay at, hindi naman kami nag-aaway. Nagkakaliwanagan lang.
"Fine! Oo na! She's not your mistress but why didn't you tell me from the start that you have a lunch together with her! So that I have an idea of what you do, and who do you involve with! I'm already your girlfriend! I have the rights, Diana!" Sigaw naman nito. It is between me and Franki, kase si Mama nandyan sa sofa nakaupo at kumakain ng popcorn na hindi ko alam kung saan niya nakuha, habang nanunuod sa amin. Yeah. Kasalanan ko nga kase hindi ko sinabi sa kaniya agad. Hindi naman kase importante eh.
"Okay. I'm sorry love. I didn't tell you because I thought that it's not important. But I was wrong, I'm really sorry, it's my fault." Pag-amin ko na kase in the first place ako talaga ang may kasalanan. Pero hindi siya kumibo at umakyat na lang ito sa taas. Haaayy. Siguradong malaking pagtatampo na ito. At siguro galit na din. At hindi ko alam kung paano alisin yun. Ah si Ma--
"May tampo din ako sayo." Sabi naman ni Mama at umakyat na din sa taas. Ano? Lahat nalang ba kayo may tampo? Urghh. Nakakafrustrate naman. Anong gagawin ko? Hindi ko talaga alam!
Ang mabuti pa siguro ay magluluto na lang ako ng hapunan dahil maggagabi na. Wala naman kaseng balak bumaba ang mga nagtatampo sa akin eh. Nabuhay lang yata ako dito sa mundo para mag-adjust. Pero hindi ko naman siya niloko ah?! Pinagbigyan ko lang yung tao eh. Ayy! Magluluto na nga lang ako.
__________________________________
Nang matapos na ako sa pagluluto ay siya namang bumaba si Mama. Grabe, saktong sakto ang timing ah. Pero hinihintay ko kung meron bang susunod na bababa pero wala talaga. Baka mamaya pa siya?
"Ang mabuti pa ay dalhan mo ng pagkain ang mahal mo doon. Nagtatampo yun kase hindi mo sinabi sa kaniya agad. Nagsikreto ka eh! Kaya puntahan mo na siya." Payo naman nito.
"Akala ko ba nagtatampo ka sa akin Ma?" Takang tanong ko dito. Nagdrama din kase ito kanina eh.
"Oo, pero hindi na ngayon. Nagutom ako eh!" Sabi nito at sumasandok na nga ng pagkain. Kita mo yun!? Trip lang pala niya. Nakikigaya lang kay Franki.
"Oh heto! Ipakain mo sa kaniya doon. Huwag kang matutulog hangga't hindi kayo nagkaayos." At ibinigay na nga niya sa akin ang sinandok niyang pagkain. Ang sweet naman ni Mama. Akala ko sa kaniya, yun pala para kay Franki.
Tumango lang ako sa kaniya at umakyat na sa taas. Kumatok pa muna ako dito sa aking kwarto pero hindi niya talaga binubuksan. Sige na nga, ako nalang ang magbubukas. Pagkabukas ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama at nagbabasa sa kaniyang libro. Pumasok na ako dito sa loob pero hindi man lang niya ako tinapunan ng isang tingin. Lumapit ako sa kaniya at inilagay sa bedside table ang mga dala kong pagkain. Pero, pero hanggang ngayon ay dedma parin.
"Love.. I'm sorry na. Hindi na ako ulit magsisikreto sayo. I'm going to tell you na lahat lahat." Panimulang sabi ko dito. Pero ganun parin. Parang wala siyang narinig. Hayy Franki naman.
Umupo ako sa kama paharap sa kaniya at
"Love, she invites me. Ilang beses ko na nga siyang tinanggihan eh, pero kinukulit parin ako kaya pinagbigyan ko na, para matapos na."
"But why did you keep a secret to me!? I'm your girlfriend and I have also a right to know! I'm going to understand it if you tell me first before it happened! Before I found out!!" Malakas na sabi nito.
"Kaya I'm sorry na eh."
Pero wala. Bumalik ulit ito sa pagbabasa. Ang hirap naman kunin ang tampo nito. Sabi pa naman ni Mama na hindi ako matutulog hangga't hindi kami nagkakaayos. So ibig sabihin, hindi ako makakatulog ngayon? Hay! Ano bang gagawin ko?
"Love, kumain kana
Please?
Gusto mo subuan kita?
Sige ka, hindi talaga ako makakatulog nito
Sige na, pleaseeeeee?
So? Hindi mo na ba ako love?"
Sa huling sambit ko ay tumingin siya sa akin pero wala pang limang segundo ay ibinalik niya agad sa pagbabasa. Haay. Wala na talaga akong magagawa. Wala naman kase akong alam sa paglalambing eh! Pa'no na to?
Wala na akong magawa kundi kinuha ang binabasa niyang libro. Akala mo ha. Magpapansin ako sayo. Kase mahal kita.
"Give it back to me, Diana!"
"See!? Diana na, hindi na love. Hindi mo na talaga ako mahal!" Maemosyonal kong pagdadrama dito.
"Hindi na nga." Seryosong sambit naman niya. Hindi ko alam kung nakikisakay ba ito o seryoso na talaga. Biglang tumigil ang mundo ko nang marinig iyon. Hindi niya na ako mahal? Ang sakit naman. Pero seryoso ba talaga siya? Pa'no ko ba malaman kung seryoso talaga siya?
"Really Frank?" Paninigurado ko dito. Hindi siya sumagot kaya unti-unti akong lumapit sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya eh. Ewan ko ba, kusa nalang humahakbang ang mga paa ko. Nang makalapit na ako dito ay "Hindi mo na ba talaga ako mahal, Frank?" Tanong ko.
Pero wala man lang lumabas na kahit isang salita sa mga bibig niya. Is she's joking with me? O seryoso na talaga? Kung seryoso talaga siya, dapat sinabi niya. Pero kung nagbibiro naman, dapat sabihin pa din niya. Para alam ko. Hindi ako manghuhula dito noh.
"Sabihin mo naman." Mahinang pagkasabi ko na dito. Parang wala na kase akong lakas. Parang nanghihina na ang buo kong katawan.
I have no choice but to do this. Hindi naman kase siya nagsasalita eh. Hindi naman siya tumitingin sa akin kaya hinawakan ko na ang magkabila niyang pisnge para iharap ang kaniyang mukha sa akin.
"Hindi na ba talaga?" Tanong ko ulit sa kaniya. And this time ay nakatingin na ito sa akin. Wala ba tong balak magsalita? Hindi parin nagsasalita eh!
Dahil ubos na ang pasensya ko sa paghihintay ay hinalikan ko na ito. Actions speaks louder than words. If you're going to respond, then alam ko na ang sagot. But kung hindi, alam ko na ang gagawin, Franki. Kahit masakit kung hindi na talaga, I'm going to let you go. I'm sorry if I hurt you for my sudden mistake.
I'm still kissing her softly, waiting for her response
But
Wala. She's not responding to my kisses.
Seryoso na talaga siya.
At alam ko na ang gagawin ko.
Kahit masakit kung hindi niya na ako mahal, I respect her.
Bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw na niya diba?
Sinaktan ko kase siya.
And this time, ako naman ang sinaktan niya.
Patas na ang laban
At siguro tapos na.
Thank you sa more than one month na ibinigay mong pagmamahal sa akin.
And now, babalik ulit tayo sa pagiging housemates.
Hihinto na sana ako sa paghahalik ng bigla naman itong tumugon pero siya din ang unang bumitaw.
So tapos na nga talaga.
Malungkot akong ngumiti dito at mag-gogoodbye speech na sana ako nang marinig ko itong nagsalita
"I'm sorry for that. I love you, Diana. I didn't stop loving you. Mahal parin kita. I'm just..
"I'm just waiting for you to kiss me. And yeah. You did." At ngumiti na ito ng nakakaloko.
Seriously!?
May goodbye speech na ako dito sa kaniya eh!?
Napakagago naman!?
Kung ano anong kadramahan na ang iniisip ko dito eh!
At maiiyak na sana!?
Pero!?
She's just waiting for my kiss lang naman pala!?
So? Niloko lang niya ako?
Hindi ko siya kinibo at humiga nalang ako dito sa kama.
Bahala ka dyan. Nagtatampo ako sayo.
Sinundan naman niya ako dito at "Love, I'm sorry. I'm sorry na. I'm sorry for pagloloko ko sayo."
Siya naman ang humihingi sa akin ng pagpapatawad. Pero bahala ka talaga dyan. Sinaktan mo ang puso ko eh tapos drama mo lang pala!?
Hindi ko siya pinansin at ipinikit ko nalang ang aking mga mata.
Pero naramdaman ko siyang parang ginagapangan ako?
Ahhh bahala ka dyan.
Kung ano man ang gagawin mo ay wala akong pake! Ang lakas mo talaga--. Bigla naman akong napamulat ng halikan niya ako sa labi.
"I think that's already enough." Sabi nito.
"Kiss isn't enough." Reklamo ko naman. Hindi mo ako madadala sa pahalik-halik mo.
"Then, ano ba ang sapat?"
"Gutom ako, Franki. Kiss isn't enough, so let me eat you." Seryosong sagot ko dito.
"Whaaaaaaaaat? Are you serious!?" Biglang angal nito. Grabe naman makareact. Nagbibiro lang eh.
"Oo.". Seryosong sambit ko dito.
At
Ayon
Napalunok siya ng wala sa oras.