Franki's POV
"What do you want, this blue or the red one?" Mama Rowena asked as she's handling me the two dresses. We are here in Greenbelt Mall located in Ayala Center, Makati. We do a shopping as she wants after the little celebration as me and Diana celebrated our first monthsarry. But Diana didn't join us here because she has something to do pa daw. Work related. As always.
"Anything po, Ma. But I like the blue, it's so peaceful in the eyes." I said.We're already roaming around the mall for about three hours already. But Mama doesn't have any plan to eat a lunch.
"Are you hungry?" She asked while still looking at the rack of dresses.
"A bit. If you want we can go home now, Ma." I suggested because maybe Diana is in the house already. And maybe she's now cooking a lunch for the three of us.
"Ako din pero I'm so hungry. We need to stop by at some restaurant to eat muna, bago umuwi." She said as we bumping through the pile of people here.
"But how about Diana?" I doubt. Wala siyang kasamang kumain doon sa house. I can't stand thinking Diana eating alone.
"She said that after lunch pa siya uuwi. And it's too late sa atin para magluto pa ng tanghalian sa bahay. Kaya sa restaurant na lang tayo kumain." But before I could speak she is already pulling me. I couldn't doubt that Diana and her mom have so much in common.
We arrived at some famous restaurant here. The Sala Restaurant. The ambience is really inviting. Like you should know what's the inside of it. Like it invites you to envisages within.
There's so much people eating as we enter the door. But there's someone that catches my eye. She is so very familiar. Wait. Is that Diana? Having a lunch with someone!? No!? But yeah! She is!
"Ma! Diana is here, and she's eating with someone!" I blurted. It can't be! Is she's cheating with me?
"Where!?" Mama ask eagerly.
"There." I pointed out to the corner where they are eating.
"Oh? May? Gad? Siya nga! At may kasama pa! Let's go, puntahan natin!" She said ranging from her anger? Really? Mas galit siya sa akin? Is she the jowa or me? But hey! Ang sakit sa heart ng ginawa ni Diana.
"No! Wag na po, Ma. I don't want you to make a scene here." I protest as she was about to lunge at the table of Diana.
"But look at them, Franki! Hahayaan mo lang ba yan?"
But before I could answer, she is now dragging me to their table. Ma! Ang sakit sa heart!
"Pwede bang makitable? Wala na kasing available eh!" Mama said innocently as Diana's eyes got widened.
"Maaa!? Franki!?"
___________________________________
Diana's POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung ano ang mararamdaman ko. Bakit sila nandito? At patay na talaga! Ang sama ng tingin nilang dalawa sa akin. Kung pwede lang makapatay ang sama ng tingin, siguro kanina pa ako nakalibing! Pero wait!? Ano ba talaga gagawin ko!?
"I said pwede bang makitable? Tutal ina mo ko, at jowa mo to diba, Diana?" Seryosong sabi nito at itinuro pa si Franki na seryoso din ang mukha. Lagot na talaga ako dito.
"Ah-yes. Yes. Of course!" Wala sa sariling naisambit ko naman. Tumayo ako para alalayan si Franki na umupo dito sa tabi ko. Si Mama naman nakaupo na sa tabi ni engineer. Maygahd. Hindi ko naisip na mangyayari ang ganito.
"Ah? Sino sila?" Takang tanong naman ni engineer sa akin. Hindi niya ba kanina narinig yun!? Na ina at jowa ko nga.
"Ako ang ina ni Diana. At itong katabi niya ay siya LANG naman ang legal. Legal jowa. Kung sa usapang mag-asawa pa, hindi siya ang kabet." Sarkastikong sabi nito habang hindi man lang niya tinatapunan ng tingin si engineer. "Ikaw, sino ka ba?" Tanong nito.
"Ah- hehe. Engineer po ako ni sir Gino" Medyo nahihiyang tugon nito. Maygahd ang awkward. Kung pwede lang sanang umuwi.
"Uhuh? Architect at engineer na kumakain sa restaurant na silang dalawa lang, tapos malayo pa sa kompanya ni Gino ah? Nakakapagtataka lang?" Hawak sa baba pa niyang wika. Ma! Hindi yun ang nasa isip mo. Hindi ko yan magagawa! Heto kasing engineer na to may palunch together pang nalalaman kase.
"Ma! Nag-uusap lang kami." Saad ko naman.
"Nag-uusap about what!?" Sabat naman ni Franki out of nowhere. Maygahd! Nagsalita na siya. Ewan ko ba kung kanino ako matatakot. Kay Mama ba o sakanya? Pero may both naman, diba?
"About project po, love." Kinakabahang sagot ko dito. Maliban kase sa pagpapakilala niya ng sarili ay nag-uusap din kami tungkol sa proyekto.
"Talaguh?" Paninigurado nito na sa tingin ko ay hindi naman niya paniniwalaan. Hay! Ba't ba sila nakapunta dito? Akala ko magsashopping lang?
"Oo naman! Wait lang. Oorderan ko muna kayo ng pagkain." At tumayo na ako pero
"Diana! May waiter, okay?" Pagpaalala naman sa akin ni Mama. Ay oo nga. Nawala sa utak ko yun sa sobrang nakaka kabang pangyayari ngayon. "Waiter! Bigyan mo nga kami ng ganito, at ganito din, at dalawang ganyan." Turo nito sa mga menu na hindi ko alam kung ano.
"Okay ma'am, five minutes." At umalis na din ang waiter.
"Ma, ba't ba kayo nandito? Akala ko ba nagsashopping kayo?" Takang tanong ko dito. Wala na kase akong maisip na ibang tanong.
"Eh ikaw, bakit ka ba nandito? Akala namin sa trabaho?" Balik-tanong nito. Wrong question yata ako. Paano ko na sasagutin yan? Parang nasa end zone na ang buhay ko ngayon.
"Eto na po ang mga inorder niyo ma'am" At inilapag na nito ang mga inorder nila. Hay. Salamat nalang at dumating na ang waiter. Kung hindi--
"Ano? Sagutin mo na Diana!"
Napasindak naman ako doon sa biglaang sabi ni Mama. Maygahd. Akala ko ligtas na ako ng dumating ang waiter pero hindi pa pala!
"Ma.. kumakain nga. Tapos na kase ang trabaho eh. At gusto din ni engineer na makilala ako personally daw, kaya inimbitahan niya ako ng lunch-
"At gusto mo naman?" Pagpapatuloy nito. Syempre hindi! Nakakahiya lang kase tumanggi ng ilang beses kaya pinagbigyan ko na. Huhu. I can't say it kase nandyan si engineer. Napilitan lang nga ako.
"Syempre.. syempre inimbitahan niya ako eh. Atsaka libre niya" Pagdadahilan ko dito kahit hindi naman libre maygahd. Hindi ko alam kung ano ang naiisip at nafefeel ni engineer. Nakakahiya na talaga sa kaniya.
"You know what, I can libre you too" Walang ganang sabi naman ni Franki. Ohhh nooo. Ano ba? Lahat na lang ng sasabihin ko, ginagamit pabalik sa akin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil ayoko ng magsalita! Baka gamitin na naman against sa akin. Huhu. Kailan pa ba matatapos ang dilemma kong ito. Nakakahiya na talaga!
Ikakain ko nalang ito pero bago pa ako sumubo ng pagkain ay nararamdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko dito sa loob ng aking bulsa. May nag text?
Dahil sa sobrang curious ko ay kinuha ko ito at binuksan. Text nga
From: Mama
Hoy! Subuan mo si Franki! Subuan mo ng pagkain ang jowa mo! Now!
Bigla naman akong napatingin kay Mama at..... Maygahd. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Oo na! Oo na!
Kinuha ko ang kutsara niya na nakabalot pa sa table napkin. Hindi pa kase siya kumakain eh. Si Mama nga kanina pa. Wala ba siyang gana?
Sumandok na ako dito at..
"Love, say ah?"
Naguguluhan lang itong tumingin sa akin at maygahaaaad. Hindi niya ako sinunod! Nagtatampo siya! Ano ba ang gamot sa tampo!?
"Love? Sorry na..." Paglalambing ko na dito habang hinahawakan ang kaniyang mga kamay. Pero deadma parin. Ang sama lang ng tingin sa akin. Anong gagawin ko!?
Naramdaman ko naman na nagvibrate ulit ang aking cellphone. Si Mama na naman siguro ito?
Kinuha ko na at yeah. Si Mama nga.
From: Mama
Halikan mo siya para mawala ang tampo! Ikaw na ang bahala kung saan! Pero pwede din namang sa lips hihi!
PS. It is proven and effective siya.
Nagulat naman ako dito. Sige na nga. Mama's knows best naman.
Bigla akong tumayo at pumunta sa likuran niya para yakapin.
"Love.. sorry na talaga.. wag ka nang magtampo.. ikaw lang naman mahal ko eh.." Sabi ko dito at hinalikan ko siya sa pisnge habang nakayakap pa rin.
"Ayyyyee angggggsweeeet! Isa pa nga." Hirit naman ni Mama na parang nagwawala pa. Goodness! Mama ko ba to?
Bumalik na ako ulit sa aking upuan at nakita ko naman si engineer na napilitang ngumiti. Na awkwardan siguro?
Pagkaupo ko ay sinubuan ko siya ulit and this time ay tinanggap niya na ito. Para naman akong nabunutan ng isang tinik sa dibdib. Hindi na siya nagtatampo. Mama's knows best talaga!
"Ikaw gusto mo rin bang subuan? Pwede naman kitang subuan eh!" Rinig kong biglang sabi ni Mama kay? Kay engineer!? Maygahd wag mo nang dagdagan ang kahihiyan ko Ma! Maawa ka!
"Hehe. Wag na po tita. Tapos na rin ako eh" Nahihiyang saad nito at tumayo na. "Sige, mauna na po ako sa inyo. At by the way, maraming salamat sa oras, architect!" Dagdag nito at ngumiti pa sa akin. Maygahdddd. Wag kana kaseng ngumiti sa akin. Kay mama nalang!
Ngumiti din ako pabalik at tumango na para pwede na siyang umalis. Pagkaalis niya ay naramdaman ko namang may dalawang pares ng matang tumutusok sa aking pagkatao.
Ano!!? Hindi pa rin ba tapos!?
"Marami kang ipapaliwanag sa bahay, Diana.". Seryosong sabi naman ni Mama.
"Yeah. At sa akin din." Pagtatapos naman ni Franki.
Oo na!
Maygahd.
Tulungan nyo ako.