"Mama! Naman?"
Pigil ko na dito at baka magising ang mahal ko sa ingay niya.
"Ma! Anong oras ka na bang nakarating dito? At bakit nandyan ka pa sa kusina? At bakit alam mo na jowa ko siya? At ano ang ginawa mo sa kaniya?" Hindi ko na siya pinasagot pa at pinaulanan ko na agad ng maraming tanong. Wala eh. Namiss ko lang.
"Dahan-dahan ka nga dyan sa pagtatanong bunso. Tanong ko muna ang sagutin mo kase ako ang unang nagtanong." Sabi nito at umupo na sa sofa. Nandito na kase siya sala, at ako naman ay nakatayo pa rin. Hindi kase ako makaget over na nandito na siya. Pero ano ba yung tanong niya? Nakalimutan ko na kase agad.
"Ano ba yung tanong mo?"
Usisa ko naman dito habang nagkakamot ng batok.
"My first question is bakit ngayon kalang?" Habang pinandidilatan na ako ng mata. Maygahd. Nakakatakot pala maging jowa si Mama. Hahahaha. Siguro takot na takot si Daddy umuwi ng late noon. Napaka amazona naman kase. Daddy ang tawag ko sa aking ama, tapos Mama naman sa aking ina. Ewan ko ba, siguro LQ sila noong baby ako. Dahil ang pagtawag ko sa kanila ay hindi pa nagkakasundo. Pero nasanay na rin ako. Ako na kase ang nag-adjust para sa kanilang dalawa.
"Ma, alam mo namang sobrang lakas ng ulan. Hindi pa kami pinauwi ni Kuya Gino pero umuwi na talaga ako. Bukas pa sana--
"Hep. Wala akong pake sa other explanation mo. Okay na sa akin ang sagot. So my second question is, bakit mo siya pinaghintay?" This time ay nakataas ang isa niyang kilay habang nagtatanong. Para siyang kontrabida sa lagay na yan. Anoba. Hindi ko alam kung paano sumagot. Bakit ko ba siya pinaghintay? Ay! Ang hirap naman.
"Hindi ko naman kase alam na hindi pa pala ako papauwiin ni Kuya Gi--
"Okay. Alam ko naman eh. Kase ang lakas ng ulan, mga ganon. So this is now the last and please, answer it with honesty. May kabet ka ba?" At tumayo na ito at pinalilibutan niya na ako. Maygahaaaad para akong isang makasalanang suspek sa korte. Seriously wala naman akong kabet ah? Hindi ko gawain yun.
"Wala. As in walang wala." Kampante kong sagot dito.
"Talaga lang ha?" Paninigurado niya na parang hindi pa maniniwala. Grabe naman, eh wala nga talaga.
"Wala naman kase ma!" Paniniwala ko na dito kase wala naman talagaaaaa.
"Fine. Maligo ka na nga doon." Pagtataboy na nito sa akin.
"Ma! Sagutin mo din yung tanong ko." Pagpapaalala ko dito. Hindi niya pwedeng kalimutan ang pinag-usapan. May rights din akong sagutin.
"Kanina pa ako dumating dito mga tanghalian, siguro? Si Franki lang ang naabutan ko ditong nagluluto. Akala ko nagkamali ako ng pinasukang bahay hangga't sa sinabi niya na jowa mo siya. So ayon nagkwentuhan kami buong gabi. At bet ko yung anim na anak na gusto niya, pero sana naman dagdagan mo pa. Gawin mong sampo o di kaya'y isang dosena. Alam mo ang Kuya mo hindi pwedeng makaanak, kaya ikaw na lang ang bumawi. Alam mo naman na gusto ko ng maraming apo, diba?"
Napanganga naman ako sa tinuran niya. Hirap na hirap na nga ako makabuo ng isa!? Tapos anim hanggang isang dosenang anak pa kaya!!? Kahit buhok nga imposibleng makabuo kami eh! Tapos!? Ay! Seryoso ba siya!?
"Okay ka lang ba, Ma?" Tanong ko dito at baka kase nilalagnat siya eh. Kung ano ano nalang ang sinasabi.
"Okay ako kapag bibigyan mo ako ng isang dosena. Pero maligo ka na nga. Atsaka doon ko na pinatulog si Franki sa kwarto mo. Doon kase ako sa guest room matutulog." Anang nito at bumalik na sa... Ano ba ang ginagawa niya doon sa kusina? Hay bahala nga siya dyan!
Umakyat na ako sa kwarto para maligo pero nang buksan ko na ang pinto
"Gising kana!?" Gulantang sabi ko naman. Nakaupo kase siya sa kama na halatang bagong gising.
"Yeah. Bago lang. I've been waiting on you all night. I'm so worried." Sabi nito na may bahid pa nang lungkot sa kaniyang boses.
"But did you already see Mama?" Dagdag pa niya na ikinabigla ko. Mama tawag niya sa Mama ko!? Bakit!?
"Why did you call my mother a Mama?"
"Because she said so." Inosente naman nitong tugon. Huwaaat si Mama na naman ang may pakana!?? Pero okay lang. Hahaha.
"Okay. Matulog ka na ulit. Maliligo lang ako." Saad ko sa kaniya at kumuha na ng pamalit dito.
"Okay. I'm going to wait you here." Sabi nito bago pa ako lubusang pumasok sa loob ng banyo. Okay pero may I'm going to wait you here? Ano ba talaga? Okay lang ba siya? O baka nahawaan na ng virus ni Mama? Maygahd.. wag naman.
___________________________________
"Hoy. Gumising kana nga dyan! May gagawin pa tayo." Panggigising sa akin ni......... Mama? Hala! Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko. At!!
"Sabi nang gumising na eh. Pero nakakakilig yung nagyayakapan kayo habang natutulog. Eeehh!". At kinilig nga ang bruha. Pero bakit ba siya nandito? At bakit niya ba ako ginigising eh, isang oras pa lang ang tulog ko!? Alas kwarto pa lang ng umaga oh!!!
"Tumayo kana nga dyan, at baka magising pa natin ang prinsesa mo." At tumayo na ako kase walang na akong magawa. Ayokong magising si Franki dito dahil kaylangan niya ng 8 hours na tulog. Pero ano ba talaga kaylangan ni Mama at inistorbo pa ako!?
"Ma! Ano na naman ba kaylangan mo?" Tanong ko dito nang makalabas na kami dito sa aking kwarto. Matutulog pa ako eh!
"May tatapusin pa tayo sa kusina."
"Ano ba tatapusin natin sa kusina!? Ang aga aga pa eh!" Angal ko na dito. Nakapikit pa nga akong bumaba ng hagdan eh. Kase gustooooo ko nangggg matuloooog.
"Hoy. Wag ka nga magreklamo dyan. Ikaw na nga ang tinutulungan eh. Pasalamat ka sa akin dahil magluluto na lang tayo!"
"Eh! May ano ba talaga?" Pagtitimpi ko dito kase ayokong sumigaw.
"Hindi mo alam!? Monthsarry niyo lang naman kahapon ni Franki, diba? Tapos hindi niyo pa naicelebrate! Kase umaga ka nang umuwiiiii!". At sumabog na nga ang bulkan. I mean-- sigaw nito sa akin. Maygahd. Oo nga noh? Nagising na yata ang diwa ko ng malaman iyon!
Nang makarating na kami sa kusina ay bigla naman ako nagulat sa aking nakita. Parang may enggrandeng party ang bihis ng kusina namin. Natatakpan kase ang paligid nito ng color pink na background na may nakasabit pang kulay itim na mga lobo. Tapos may nakasabit din na mga letters mula sa ceiling ng kusinang ito. At mababasa mo ang mga letrang iyon pababa na 'happy first monthsarry'. Grabe naman! Saan ba ito galing? Tapos ang pinaka main background ng kusina dito na malapit sa pinagkainan ay may nakasulat na 'HaPPy 1st MoNtHsArRY Franki aND Diana'. Grabe ang jeje naman! Pero hindi na ako aangal pa kase sobrang effort na ito. Pasalamat na lang ako hahahaha. Pero hindi ko alam na may nakasulat pa pala sa baba niyan:
'More monthsarries at centuries to come. All I want to the both of you is, to have a 6 babies. But if you don't mind pwede din namang 12 hehe!'
Seriously!?
Isinali pa yan!??
Okay na sana eh!
Bakit!!!?
Why!??
"Ma!! Seriously! Isinulat mo pa yun!!?" Biglang sigaw ko dito habang tinuturo ang panghuling nakasulat! Urgghh. Parang? Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa kapag nabasa ni Franki yan!
" Huwag ka ngang magreklamo. Daily reminder ko lang yan." Kalmang tugon nito.
Really!? At bakit may reminder pa!?
"Ang mabuti pa Diana ay tulungan mo nalang ako sa pagluluto ng paboritong pagkain ni Franki dito." Dagdag pa niya
"At paano mo naman nalaman ang kaniyang paboritong pagkain!??"
"Nagsearch ako."
"Saan!!?"
"Sa google!"
"Pwede mo naman siyang tanungin ah!?"
"Ayoko. Baka malaman niya ang surprise mo."
"Eh sayo naman---
"Pwede ba!?? Magluluto na tayo!?? Wala ng maraming angal! Tinutulungan kana nga!" At kumuha na ito ng lulutuin. Maygahd sige na nga. Magluluto na! Iimaginin ko nalang na wala ang panghuling sulat. Huhu.
Nang matapos na kami sa pagluluto at handa na ang lahat. At si Franki na lang ang kulang ay.
"Ay yung cake pa pala at yung bulaklak at pa teddy bear mo nandon pa pala!" Sambit nito na aligagang aligaga pa.
Hay! Bakit may pa ganyan pa!? Sobrang enggrande naman? May cake pa talaga?
"Oh eto! Hawakan mo. Tapos ibigay mo sa kaniya pagkababa niya. Dyan ka sa dulo ng hagdan. Hinihintay mo daw siyang bumaba, mga ganun! At dapat naka smile ka! Tapos sasa--
"Ma! Alam ko na!" Putol ko dito kase kanina niya pa ako pinagsasabihan. Eh, alam ko na naman! Hindi na ako bata.
"Good. Ready din naman ako dito. Ako nalang ang magvivideo--
Bigla namang tumahimik si Mama dahil nakita niya na bumababa na si Franki ng hagdan. Siguro hindi pa niya kami nakikita. Kaya hindi pa siya nagtatanong. Sinunod ko naman ang sinabi ni Mama na ngumiti. Kaya ngumiti ako ng napakatamis at
"Love, for you." At ibinigay ko na sa kaniya ang bulaklak at teddy bear ni Mama.
"For what?" Ngiting sambit nito at kinuha na.
"Happy first monthsarry, love! I love you!" Sabi ko dito kahit hindi ako sanay na nandyan sa likuran ko si Mama, at nagvivideo.
"Aw sweet! I love you too."
Pagkatapos din niyang sabihin yun ay aalalayan ko sana siyang pumunta sa kusina pero bigla naman umangal ang nagvivideo sa likuran.
"Ano!? Wala man lang bang kiss!? Kanina ko pa yan hinihintay eh!"
Arghhh Mama na naman!?