Reaching Jiro Delafuente Nang magsummer na ay isinakatuparan na nga ng dalawa ang plano nila sa akin. Yung magpipinsan rin kasi pumunta ng America. May rumors na kumakalat kasi doon sa fanpage nila na hiwalay na daw si V at si EllieKlaire. May video kasi sa gymnasium nila na sumigaw si V. Ewan ko kung anong nangyari kasi pinalabas silang lahat ni V doon. Tapos may isa ring video na may kasagutan si EllieKlaire na babae. Umiiyak pa siya. Mukhang third party ata. Yung si CheyenneJade ba yun? Hindi kaya nagtaksil si V? Kaya ganoon nalang kung umiyak si EllieKlaire. Akala ko talaga panghabangbuhay na sila. Ni hindi ko pa nga napapasalakay yung mga alipores kong rumarami na naman sa mukha ko tapos maghihiwalay agad sila. Susulungin ko nga sana yung babaeng kathirdparty ni V eh! Nagmove on na a

