Taken Malapit naring matapos ang pag-aaral ko sa sekondarya. Kakatapos lang rin kasi ng prom namin kahapon. Hindi sana ako sasali pero pinilit ako ni Shaira. Yun lang daw kasi ang araw na pakiramdam mo ay prinsesa ka. Katwiran ko nga ay may debut naman ako pero sinabihan ako ni Jhazmine na halos spaghetti nga lang daw handa ko sa birthday ko tapos yung utak ko nag-iisip pa ng 18th roses. Sabagay. Ang mahal nun. Hindi ko naisip na gagastos pala pag gusto mo ng enggrandeng debut. Kaya ayun. Sumali ako kaso wala namang sumayaw sa akin. Nandoon lang ako sa sulok nagmumukmok at kain nang kain. Ang mahal kaya ng ibinayad dito ni Shaira para lang talaga maranasan ko. Pinahiram pa nga ako ng gown eh. Sila lahat ni Jhazmine. Ang tanging naiambag ko lang ay pumunta sa prom na dala dala ang mukha k

