Pinaglalaruan mo ba ako? Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Toshi. Ilang araw pa lamang siyang nandoon ay hindi ko na makayanan ang mga gabing hindi ko siya nakikita. Nagsisisi ako kung ba't pa ako pumayag. Iyong unang gabi ko ay iyak lamang ako nang iyak. Gustong gusto ko nang pumunta doon sa mga Delafuente. "Chanelle..." Ang boses ni papa ang kumuha ng atensyon ko. May dala itong isang baso ng gatas.. "Papa, ano po iyan? Nakalimutan niyo na po bang tatlong araw nang wala dito si Toshi?" Marahan akong natawa. "Hindi pa naman ako masyadong matanda para makalimutan iyon. Para ito sa anak ko. Inumin mo para makatulog ka nang mahimbing. Ilang araw kana ring walang sapat na tulog. Baka pag bumalik dito si Toshi ay hindi niya na makilala ang sarili niyang ina dahil d

