Karapat dapat ba ako? Hindi ako mapakali dito sa loob ng bahay. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil masyadong masikip ang espasyo sa loob. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang laway na ang nalunok ko. Pakiramdam ko nga ay masasamid ako ano mang oras. "Chanelle..." Naibaling ko sa Delafuenteng nakaupo sa dekahoy naming upuan ang atensyon ko. Nandito kasi ako sa carpet nakahilata kasama si Toshi na naglalaro na ng building blocks. Si mama kasi umalis na dahil may trabaho pa siya. Halata ngang nacucurious iyon kung sino itong lalaking ito. Baka pinaghihinalaan nung ito ang ama ni Toshi. Paano ba naman, mana sa angkan nila itong anak ko. "B-Bakit?" Nauutal kong sabi. Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko siya aasikasuhin. Natatakot akong gumalaw galaw dito. Ayokong

