Turn off Nagising ako sa pamilyar na pabango. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at natagpuan ang mukha ni Harel sa harapan ko na mariing nakatingin sa akin. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kanya hanggang magsink-in sa utak ko na nasa iisang kama lang kami. Anong nangyari kagabi?! Agad akong napaupo sa sobrang gulat. Nagawa ko pang tingnan ang sarili ko at napahinga ng maluwag dahil may suot parin akong damit. "Good Morning." Nakangiting bati niya sa akin kaya naibaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. Buhaghag ang buhok niya at naniningkit pa ang mga mata pero ang hot niya parin sa plain white shirt niya habang nakasandal diyan sa kama. "Good Morning. Uhm, ba't nandito ako sa kwarto mo?" Iginala ko ang tingin ko. Pati ang crib ni Toshi ay nandito narin. Nandoon pa a

