Untold Part Sa tuwing nakikita ko si Chanelle na nasasaktan at umiiyak ay triple ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang asawa dahil napapabayaan ko siya. Hindi ko siya magawang protektahan sa mga taong pilit siyang sinasaktan. Ni hindi ko alam kung paano ko ipapamukha sa kanya na kontento ako sa kanya kahit na simple lamang siya. Na hindi mahalaga sa akin ang estado ng buhay. Hindi rin naman kasi lahat ng bagay sa mundo ay nabibili. Katulad niya, siya ang pinakamahal na pagmamay-ari kong hindi mapapantayan ng kahit anong ginto sa mundong ito. Kung alam niya lang talaga ang bagay na iyon. Hinayaan ko muna siyang umuwi sa bahay nila. Siguro sa pamamagitan nito ay mahihimasmasan rin siya. Ilang estudyante narin ang napakick-out ko dahil lamang sa pagpapaiyak sa

