Untold part of Harel Delafuente Pwede bang mainlove sa babaeng isang gabi mo lang naman nakilala? Isang gabi mong nakasama? Isang gabi mong--- "Ilang araw kana bang tulala?" Napakurap ako dahil sa pag-akbay ni Jame Brancen sa akin. Binabandera niya na sa akin ang mukha niyang nakangisi at ang mga mata niyang nawawala. Umiling ako. "Daming projects." reklamo ko na agad ikinangiwi ni RM. "Anong project yan at masyado atang binabagabag ang utak mo?" Mapanghinala nitong tanong na hindi ko na sinagot pa. Ilang araw narin bang hindi mawala sa utak ko ang babaeng iyon? Ang huling sinabi niya sa akin ay mamamatay na siya. Tanginang kapalaran. Mukhang nainlove pa ako sa babaeng hindi na magtatagal sa mundong ito. Ba't nga ba hindi ko kinuha ang buong pangalan niya? Para akong mababaliw kaka

