Gate crashers Umalingawngaw ang sigaw ni Lhuella sa kabuuan ng bahay nila dahil sa sinabi niya sa akin. Nakaawang ang labi ko dahil sa gulat habang nakahawak sa pisngi kong nanghahapdi. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo Ella--"Oh please stop manipulating me! I saw you with Harel! Doon sa kakahuyan! You're kissing each other! Nalaman mo lang na nagkakamabutihan kaming dalawa ay nainggit kana! Wala na ba talagang naiwang kahihiyan diyan sa loob mo? Kaya ka nabuntis ng maaga dahil rin naman sa kalandian mo! Makontento ka sa lalakeng nakabuntis sayo hindi iyong pati yung gusto ko ay aahasin mo!" Naiyak ako sa pinagsasabi niya. Ang luhang kanina ko pa iniipon sa loob ko ay tuluyan nang tumakas. Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero nilalamon ako ng emosyon ko. Mas n

