Birthday Party Hindi magkamayaw ang mga babae sa pag-aayos sa akin. Ni Hindi ko na mga alam kung ano ang hitsura ko. Basta ang alam ko lang ay may kakaiba sa ayos ng buhok ko. Nakahalf ponytail ito at medyo curly ang dulo. Gawa ito ni Autumn sa akin habang si Abbegail naman ang nagmake-up sa akin. Tumutulong rin naman ang ibang mga babae. Si Sky lamang ang nakaponytail ang buhok ngunit may mga nalalaglag naman na kulot na buhok sa bawat gilid nito. Suot ko ang bigay na dress ni Sky. Sobrang ganda nito. Parang matigas iyong skirt niya sa ibaba dahil narin sa plating nito. Pakiramdam ko ay ako ang piniling gumanap na prinsesa sa isang stage play dahil sa suot ko kahit hanggang hita ko lang naman iyong dress. Kaya rin siguro ganito ang nararamdaman ko dahil narin kay Sky itong dress na

