Slow "Ang linaw ng tubig! May maliliit pang isda oh!" Pinagtuturo ni Snow ang nakita niyang maliliit na isda dito sa batis. Kakarating lang naming lahat at gusto na agad nilang maligo. Si Sky lang itong naglalapag ng tuwalya sa gilid at nagsimulang magpahid ng lotion habang nakaupo doon. Nagpaligsahang sumulong si Julie at Ellie sa tubig. Kahit malayong malayo ito sa swimming pools o kaya ay beach na nakasanayan nilang liguan ay hindi parin sila nagrereklamo. Namamangha pa nga sila sa lugar. Si Lhuella nga ni minsan hindi iyon naliligo dito. Hindi daw kasi kasi komportable sa paligid. Mas gusto niya sa mga beach. "Pwede na akong tumira dito. Gusto kong makaranas ng simpleng buhay. Pakiramdam ko mas masaya pag ganoon." mungkahi ni EllieKlaire habang nakaupo at pinaglalaruan ang mga nakik

