Walang katulad Isinama nga namin ni Aly ang mga babae sa Barn kinaumagahan para magpaanak ng baka. Si Snow itong putlang putla nang makita ang baka na nakahiga sa stretcher habang humihiyaw. Manghang mangha naman ang ibang babae lalo na si Celina. "Ngayon alam ko na kung ano ang hitsura ko noong pinapanganak ko si Grey." sabi nito. "Di ba tayo niyan sisipain?" tanong ni Snow na nasa likod ko. "Wag kang matakot. Hindi naman kabayo ang papaanakin natin." si Aly. Sabi kasi ng pinsan ko mas nakakatakot daw magpaanak ng kabayo. Malikot daw sila at naninipa pa. Sinimulan kaming bigyan ng instruction ni Aling Tecy. Medyo nagdadalawang isip pa nga itong utusan ang mga babae dahil daw baka mandiri. Ngunit taliwas iyon sa inaakala niya. Halata kasing nag-eenjoy rin ang mga ito. Si Julie at Ell

