Without You Natapos narin ang camp. May iba nang nagsisiligpit sa mga gamit nila. Yung iba naman ay nakasakay na sa mga bus na nakahelera. Namataan ko pa si Tyrone na nakatayo sa labas habang may tinitingala sa bus. Para itong may kausap. Binalingan ko si Anne na mukhang kampante lang naman kaya hindi ko nalang pinansin. Excited ang mga babaeng matapos dahil magsisimula narin ang tunay na bakasyon nila dito. Si Aly itong kinukulit nila. Pinapakwento nila ito sa mga ginagawa nito dito sa bukid at kung ano ang pwede nilang gawin dito. Medyo nag-aalala ako kay Sky. Alam ko kasing maarte siya, mapili. Sang-ayon ba siya sa plano ng mga babae? "Ang kj hindi matutuloy ang kasal." Ngising aso na si Ellie habang pinaparinggan si Sky na nasa gilid lamang at nakaupo. Busy pa kasi si Jiro sa pag-ii

